Chapter 23

113 4 0
                                    

NATSUKI'S POV

Nasa harap kami ng malaking salamin habang inaayusan ko ang buhok ni Chiaki na lagpas balikat. Kinulot ko iyon habang nakatirintas ang isang bahagi ng buhok niya.

"Pwede ba outsider sa party na yan, Chiaki?"

"Uhm ... di ko lang alam. Gusto mo sumama?"

"Sana? Nakakainip sa bahay. Nalibot ko na siguro ang lahat ng pwedeng puntahan dito sa Batangas."

"Bongga may pang-libot!"

Naasar ako sa kanya. Hindi man ako mayaman na katulad nila. May pera naman akong naipon sa pagtatrabaho ko sa Matsumoto Entertainment. Matagal na din akong makeup and hairstylist ng kompanya ng lolo ni Cloud. Hindi naman ako nagsawa lalo na nasisiyahan ako kapag naayusan ko ng maganda ang mga modelo ng M.E.

Napatingin ako sa kamay ni Chiaki ng hawakan niya ako sa braso. "Ayos ka lang? Natulala ka na."

"Yeah, naasar lang ako sa sinabi mo. May ipon ako, noh."

"Psh! Joke lang yun girl. Di marunong sumakay."

Pinaling ko ang ulo niya paharap sa salamin. Light makeup lang ang nilagay ko sa kanya para mukha pa rin natural ang itsura niya. Napangiti ako sa kinalabasan ng itsura niya.

"Oh, ayan medyo maganda ka na."

"Oi! Hindi medyo, talagang maganda ako! Ganyan kapag walang lovelife! Insekyurada sa ganda ng iba!"

Natawa ako sa kanya.

"Poodle number 2, ako naman." singit ni Ayumi.

'Sinong poodle number 2?'

Nakasandal ito sa hamba ng pinto ng lingunin namin. Ngumiti itong naglakad palapit samin. Pinaalis si Chiaki sa upuan.

"Light lang Natsuki." saad niya.

"Alam ko na yan!" nakangiting sagot ko.

Minsan di ko maiwasan mainggit kay Ayumi. May Cloud ito na sobrang mahal na mahal siya kahit ang totoo niyan hindi naman sila mag-asawa.

Natagpuan lamang ni Cloud ang babae sa dalampasigan ng pribadong isla nito. Sa hindi malamang dahilan, kinupkop niya ang babae at inanunsyong asawa niya ito at pinangalanang Ayumi.

'Ano ba meron kay Ayumi? Bakit lahat ng makakilala at makadaupang palad niya na lalaki nagkakagusto sa kanya?'

Kung tutuusin hindi naman talaga siya sobrang ganda. Wala akong makitang makakapagpabaliw sa lalaki dahil sa itsura niya. Pero, bakit nababaliw sila? Kung tutuusin mas maganda pa si Chiaki sa kanya. Ano ang nakita nila kay Ayumi?

Tan ang kulay ng balat niya. Wala naman kakaiba sa ilong o labi niya o sa buong mukha niya, ordinaryo lang iyon. Pero, aaminin kong maganda ang mata niya.

'Ano ba tong iniisip ko!'

Tumikhim ako. "Bes fishtail braid nalang ang gagawin ko sa buhok mo." suhestyon ko.

"Sige lang."

Inuna kong tinirintas ang buhok niya

Nilaylay ko ng kaunti ang buhok sa gilid ng tenga niya. Sinunod kong lagyan siya ng kaunting makeup. Makinis ang mukha nito na parang ang taghiyawat pa ang mahihiya na tumubo sa mukha niya. Binilisan ko ang paglalagay ng kaunting concealer sa ilalim ng mata. Lagi silang puyat ni Chiaki dahil sa ginagawang proyekto sa eskwelahan. Sobrang nipis na foundation ang nilagay ko at isang red matte lipstick ang ini-apply ko sa labi niya panghuli sa koreteng nilagay ko sa mukha niya.

MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon