Chapter 34 Christmas special

133 4 1
                                    

AARON'S POV

Bisperas ng pasko ngayong araw pero si ate hindi pa rin gumigising. Pinanghihinaan na kami ng loob. Dumadaan lang ang araw at buwan na wala kaming nakikitang senyales na gigising pa siya. Nag-set up kami ng christmas tree dito sa kwarto niya. Nagbalot ng regalo para sa mga kaibigan at para sa mga bata na sobrang excited sa mga regalong nakabalot.

"Ojisan matagal pa po ba ang twelve midnight?" tanong ni Mira.

"Uhmmm ... ten hours from now Mira-chan." Nakaturo ang hintuturo nito sa baba niya na akala mo ang daming iniisip. Kapag si Mira ang kausap mo dapat detalyado, medyo slow kasi ito. Magandang bata pero sobrang slow. Manang mana kay ate minsan eh.

"Ang cute talaga ni Mira, beb."

"Oba-san Shyla! Pipoy is licking my psp!" sumbong ni Gus na halatang nandidiri sa laway ng aso. Binitawan nito ang laruan.

Natawa nalang kami ni Shyla.

"Mga anak mamaya kayo ang bahala sa dalawang bata para bihisan at paliguan. Magpakulo kayo ng tubig para hindi sila pasukan ng lamig sa likod." saad ni nanay.

"Opo nay, si Shyla na bahala sa kanila." sagot ko.

"Pagagandahin ko sila nanay Alicia." nagniningning ang mga mata na saad ni Shyla. Lumapit ito kay Mira at Gus na nasa sofa. Parang marshmallow na kiniskis ni Shyla ang pisngi sa mga pamangkin ko.

'Tsk! Isip bata talaga!'

"Sumabay ka na samin ni Shyla mamaya umuwi nay para makapag-bihis ka din po. Sigurado ako pabalik na si aniki."

"Mabuti pa nga, pero bago tayo umuwi bibihisan ko muna ang ate mo para ready na din siya mamaya sa selebrasyon ng pasko."

Tumango ako. Inaya ko ang mga bata na lumabas muna ng kwarto at maglibot sa eskwelahan na karugtong ng ospital. Naiwan si Shyla para tulungan si nanay na madalas nitong ginagawa.

"Ojisan where are we going po?" si Mira.

Hawak ko sila sa magkabilang kamay. "Ililibot ko kayo kung saan nag-aaral si nanay ninyo." nakangiting baling ko sa batang babae.

"Wow! I'm excited po!"

Nakakatuwa ang eskpresyon ni Mira. Di ko malaman kung kanino nito nakuha ang pagiging positive na ugali. Sumakay kami ng cart para hindi mapagod ang mga ito. Una naming pinuntahan ang mga classrooms.

"Ang laki po ng rooms dito ojisan! Pwede na po maging bahay." si Mira.

"Eh, di dito ka na tumira." basag ni Gus sa kanya.

"Mauna ka na! Panget!"

"Tch!"

"Mamaya na kayo magtalo." natatawang saway ko sa kanila.

Nilibot din namin ang gymansium, swimming pool area, archery club, theater at iba't ibang department buildings. Ang pinakahuli naming binisita ang unang kurso ni ate. Music Education.

"Woooowwww! May grand piano Gus! Madunong ka po magtugtog ojisan?" tanong ni Mira.

Tumango ako.

"Madunong din po kami. Daddy send us to study musical instruments po, then, swimming lessons, and taekwondo po." madaldal na kwento ni Mira.

'Hmmmmm'

Mabilis na kumawala sa kamay ko si Mira. Tumakbo ito palapit piano. Nagpindot pindot ito doon. Napailing ako kasi wala akong maintindihan sa tinutugtog niya.

MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon