KENNETH'S POV
Ilang buwan na ba ang lumipas simula ng ma-comatose ang babaeng dati kong minahal. Mag-aanim na buwan na siyang nahihimbing na natutulog. Gusto namin maging matapat ni Ira sa pamilya nila para sabihin na ang bumubuhay nalang kay Astrid ay ang mga nakakabit na life support dito.
Isang araw dinalaw ko ito na tulog ang lahat maliban kay Lambert na halatang pagod na pagod sa pagpupuyat.
"Dalawin ko lang si Astrid hindi bilang isang doktor, kundi bilang isang lalaki na nagmahal sa kanya noon."
"Lalabas muna ako." saad nito
Tumango ako.
Lumapit ako kay Astrid. Kinuha ang mga kamay nitong namayat. Kalahati ng timbang nito ang nawala sa kanya. Buto't balat kung tutuusin. Sobrang haba na din ng buhok nito na nakakalat sa kama.
"Astrid love ... parang awa mo na gumising ka na. Marami ang naghihintay sa pagbabalik mo. Hindi ka ba napapagod matulog? Excessive sleeping is not healthy love. Kung naririnig mo ako love salamat na naging tulay ka sa taong nagbibigay kulay sa buhay ko ngayon." Bumagsak nalang ang luha ko sa mata kahit wala sa plano ko iyon. "Lumaban ka Astrid. Please lumaban ka para sa asawa mo at sa dalawa mong anak." Pinunasan ko ang luha ko saka ito hinalikan sa noo.
Tumayo ako sa upuan para lumabas ng kwarto. Nakasandal sa pader si Lambert. Tinapik ko ang balikat nito. Alam kong sa mga susunod na araw kailangan na namin tapatin ang pamilya nito.
ETHAN'S POV
Maaga akong bumisita sa ospital para dalawin si Astrid. Tinanguan ako ni Aaron na halatang kagigising lang. Si Lambert naman mahimbing na natutulog sa pang-isahang sofa.
"Hi baby A, I miss your beautiful voice, your laugh, your sarcasm." Hinaplos ko ang kamay nito na walang buhay. Pinakatitigan ko lang ito na para bang sa ginagawa ko merong mahika na pwede itong magising. "Kailangan mong gumising dahil hindi ka pa nag-pe-perform sa bar namin ni Travis." nakangiting sabi ko. "Hihintayin namin ang pagbabalik mo, baby A."
Pag-angat ko ng ulo gising na si Lambert na nakatitig lang samin. Tinanguan nito ako pagtapos.
"Pakisabi sa kanila dito nalang natin gawin ang meeting para sa opening ng negosyo." saad nito.
"Alam na nila. Maya maya lang nandito na ang mga iyon. Maaga pa naman. Alas nuwebe ang usapan." sabi ko sa kanya. Maingat kong nilapag ang kamay ni Astrid saka tumayo.
"Aniki pagdating ni nanay uuwi muna ako." singit ni Aaron.
Tumango lang ito.
"Pre anong sabi nila Ira at Kenneth?"
Umiling ito. Mababanaag sa mukha nito ang sakit na nararamdaman nito. Sino nga ba naman na asawa ang hindi mag-aalala sa araw araw na walang pagbabago sa kalagayan ng taong bumubuhay sayo. Napayuko ito para punasan ang luha. Minsan nag-aalala na kami sa kanya dahil napapabayaan na din nito ang sarili.
Ang mga anak lang nito ang nagiging sandalan sa kalungkutan. Mabuti nalang may mga munting anghel silang nagbibigay saya sa pinagdaanan nila sa buhay.
~Knock! Knock! Knock~
Pumasok si Ira, Kenneth at Doctor Valdez ng bumukas ang pintuan. Naalarma si Lambert at Aaron. Maging ako at napakunot ang noo kung bakit nandito ang tatlong doktor na nag-aalaga kay Astrid.
ASTRID'S POV
Pinagmasdan ko ang sarili ko. Lumulutang ako? Namatay na ba ako? Grabe ha! Bakit naman kinitil agad ng manunulat ng akda nito ang buhay ko?
BINABASA MO ANG
MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)
Ficción GeneralDearest Sofia, Every day I wish you were here with me, holding you tight. Being with you makes me happy. You are my reason for waking up in the morning and for drifting off to sleep at night. Mi amor, I love you so much that I cannot fathom what w...