EPILOGUE

177 5 0
                                    

LAMBERT'S POV

Nagising ako sa malalakas na katok sa pinto ng kwarto naming mag-asawa na halos mawasak na iyon.

Napangiti ako ng masilayan si Astrid. Natupad nito na makuha ang diploma sa paglipas ng maraming panahon. At naitayo din nila ang negosyo na pinangarap nilang dalawa ni Chiaki.

Malalakas na katok muli ang nagbalik sakin.

'Jeez! How did we end up with four kids and now my wife is almost due!'

Sinulyapan ko ang mahimbing na natutulog na asawa ko. Kayakap nito ang anak namin na si Leighton Adan na apat na taong gulang. Napangiti ako dahil ngayong week namin expected na lalabas ang pang-lima sa anak namin. Hinalikan ko ang balikat si Astrid bago ko buksan ang pinto ng kwarto at harapan ang mga bata.

"So?"

Nakahalukipkip na Liel ang napagbuksan ko. Sampung taon na sila ng kakambal niya.Humalik ito sa pisngi ko bilang pagbati sa umaga.

"Tatay you promised me that we will go shopping with new shoes and dresses."

"Mi vida, isn't it too early to go shopping?"

Walang ka-emo-emosyon na humalik da pisngi ko si Liam."I told him tay, but Mira never listened." bored na sabi niya.

"Urusai!"

"Good morning po tatay, Mira-nee kuya Gus." bati ni Axel.

Humalik sa mga kapatid ito bago hinila ang damit kong pang-itaas.

"Good morning Mi vida." nakangiting bati ko sa pangatlo kong anak. Hinalikan ako nito sa pisngi. "Nanay still sleeping pa po ba?" tanong nito.

"Sí."

"Hindi niyo ba babatiin si nanay ng good morning?"

Napalingon kaming apat sa ilaw ng aming tahanan. Natapos ang pinagawa kong bahay bago kami ikasal ulit ni Astrid limang taon ang nakakaraan.

Mabilis na nagsitakbuhan ang mga ito papunta sa nanay nila. Excited ang mga ito sa paglabas ng bunsong kapatid nila. Hindi namin inalam ang kasarian nito kaya naman lahat kami puro hula ang ginagawa.

"Good morning nanay." sabay sabay na sabi nila. Humalik ang mga ito sa pisngi ng ina.

Tumaas ang kilay ni Astrid saka ako tinawag gamit ang daliri nito. Nakangising lumapit ako sa kanya.

"Good morning babe." I gave her a quick good morning kiss. Hinalikan ko din ang tiyan nito.

Binuhat ko si Axel at pinaupo sa kandungan ko. Si Liel at Liam naman nakahawak sa tiyan ng ina nila.

"Nay the baby is moving." saad ni Liel.

"Of course anak may paa at kamay ang kapatid mo." sarkastikong sagot ni Astrid.

Maya maya lang nagising si Adan. Pinaghahalikan kami nito isa isa na kinatawa ng mga kapatid niya. Lumulobo sa tuwa ang puso ko kapag nakikita ko kung gaano kamahal ng mga anak ko ang ina nila. Napangiwi ako ng maalala ang paglilihi ng aking esposa bago kami lumipat sa aming tahanan.

[FLASHBACK]

Nagising ako isang umaga ng madinig na nagsusuka si Astrid. Mabilis ko itong nilapitan at hinimas ang likod. Halos isubsob nito ang mukha sa lababo. Hinang hina ito at nakahawak sa tiyan. Dalawang buwan na ang tiyan nito bago namin malaman na buntis siya sa pangatlo naming anak.

MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon