Chapter 46

138 4 0
                                    

LAMBERT'S POV

Pasado alas onse na ng magising ako. Mahimbing pa din ang tulog ni Astrid. Hinalikan ko ito sa balikat bago bumangon. Naligo ako at nagbihis para maghanda sa pagpasok sa RRC. Nag-iwan nalang ako ang note sa bedside.

May meeting kami nila Raven para sa opening Hermoso Architectural Firm. Yan ang napili nilang pangalan para gwapo daw. Napapailing nalang ako sa katarantaduhan ni Alex at Logan.

Bago ako lumabas ng kwarto hinalikan ko muna ang asawa ko sa noo. "I love you. I'll see you later, babe." napangiti ako.

Pagdating sa salas nakangiting mga mukha ang nabungaran ko. Sila mommy iba ang paraan ng titig sakin.

'Huwag nilang sabihin na nakikinig sila samin kagabi? Tch!'

"Morning mom."

"Buenas dias hijo. Maganda yata ang gising mo anak. Mukhang napuyat ka." nakangising saad ni mommy.

"Tch! Puyat na puyat mom." sarkastikong saad ko.

Binigyan ako ni manang ng mainit na kape. Kinuha ko iyon at nagpasalamat.

"Hahaha! Sundan niyo na agad si Gus at Mira para naman may baby na dito sa bahay."

'Siguro naman hindi sila nagistambay sa labas ng kwarto namin.'

"Nasaan ang dalawang bata?" tanong ko habang humihigop ng kape.

"Kasama ni Liezel, Joy at ng iyong abuela. Pumunta sila sa mall. Gusto magliwaliw ng iyong lola at nabobored daw siya."

"Sinong Rolex ang kasama nila?"

"Si Pink, Yellow and Saffron son." saad ni daddy.

Nagbabasa ito ng dyaryo habang humihigop ng kape. Kanina pa ito tahimik dahil nahihiya sa bulgar na bibig ni mommy.

"How's business doing, son?"

"Doing good. I plan to construct kubo house in Bukidnon dad, mom. Para sa mga empleyado natin na matagal ng naninilbihan sa pinyahan. Okay lang naman sa inyo siguro ang ideya niyon?"

"Yes son."

"Good. Uuwi ako ng Bukidnon sa isang araw. Isasama ko ang mga bata para makita nila ang pinyahan."

"Sasama kami sa inyo para naman makalabas kami ng iyong ama." suhestyon ni mommy.

"Kayo ang bahala mom. Paano alis na ako dad. May meeting kami nila Raven."

Nakangiting tumango ang mga ito sakin. Nakaabang na ang sasakyan paglabas ko. Kasama namin si Khaki at Cobalt ng araw na iyon.

"Peter idaan mo sa flower shop. Magpapadeliver ako ng bulaklak para sa asawa ko. Liligawan ko ulit si Astrid."

"Whoa!Iba na ang inlababo!" si Cobalt.

"Tch!"

Nang makarating kami sa flower shop 12 dozen na puting rosas ang binili ko. Alam kong paborito niya ang mga puting rosas. Napangiti ako ng mabayaran iyon. Ipandeliver ko na din iyon. Naglagay na din ako ng simpleng note doon.

"Kikiligin naman si Missy niyan boss!" madaldal na komento ni Cobalt.

"Hindi marunong kiligin yon." sabi ko.

Asa akong katulad ng ibang babae yon na kinikilig. Babarahin ka pa ni Astrid kapag sobrang sweet ka sa kanya.

"Yun lang, pinanganak na dalawa ang personality ni Miss. Tomboy at babae." natatawang saad ni Cobalt.

MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon