ASTRID'S POV
Dumadagundong ang puso ko dahil sa pagkakahawak sakin ng gwapong lalaki. Dumaloy ang kuryente sa buong katawan ko ng pisilin nito ang kamay ko. Ang pinagtataka ko ayaw niyang bitawan ang kamay ko.
'Isa na naman ang nabaliw sa kagandahan ko!'
Matapos ang eksena ko sa stage kanina mabilis akong nagpaalam sa mga schoolmates namin na parang tinuklaw ng ahas sa mala-superstar na performance ko.
"Bwiset na Kotomi! Itulak daw ba ako!!!" Reklamo ko habang naglalakad kami sa pasilyo ng dormitoryo. Hindi na kami nagtagal at nainis lang ako ng masilayan ang nakakasukang mukha ni Kotomi.
"Hayaan mo na mare!Pero mare ang ganda ng boses mo! Lahat kami napanganga sa ginawa mo. Akalain mo yun may talent ka pala bukod sa pang-aakit mo sa asawa mo." biro ni Chiaki.
"Dilat na dilat kasi ako ng magsabog ng kagandahan, katalinuhan at talento sa mundo si papa God." nakangising sabi ko.
"Nahiya sayo ang matres ko mare! Tsansing ka kanina sa mga hunks na sinasabi ko ha. Inisa isa mo talaga sila. Kita ko ang mga naglalakihan nilang mata sa gulat. Nakakatuwa sila! Haha."
"Tss."
Pinaalala niya pa. Gusto ko nang mawala sa alaala ko ang init ng palad ng lalaki kanina. Hindi ako makapaniwala na hinawakan ko kamay niya at hinayaang mag-usap ang palad naming dalawa.
Oh e paano? Kita nalang tayo bukas?"
Di namin namalayan na nasa tapat na kami ng kwarto ni Chiaki. Kapag nagkukwentuhan talaga kayo ng kaibigan mo minsan di mo na mapapansin na nakarating na pala kayo sa dapat puntahan. Niyakap niya ako na akala mo naman di na kami magkikita bukas.
'OA talaga tong si Jun!'
Nagpatuloy ako maglakad sa pasilyo. Nilakasan ko ang loob ko kahit medyo natatakot ako. Paano nalang may makasalubong akong nilalang na tinamaan ng kapangitan. E di nahimatay pa ako.
"Ayumi!"
"Ay! Bilat!" malakas na sabi ko.
Nagulat ako sa biglaang pagtawag ng walang magawa na si Jonathan. Hindi ba niya nakikita nagcoconcentrate ako kumapa sa dilim. Chos lang. Malamlam ang ilaw sa pasilyo na pwedeng maging pang-horror movie ang paligid.
'Aba may gana pa siyang ngumiti sakin? E halos malaglag ang balun balunan ko sa pagsigaw niya! Letsugas na to!'
"Thank you! Nice voice!"
Tumaas ang isang kilay ko. Si Jonathan Walter nagpapasalamat? Sinapian ito malamang. Aba! Himala sa himala. Pakiramdam ko katapusan na ng mundo dahil sa thank you niya.
"Walang anuman! Pero pwede ba pagsabihan mo yang girlfriend mong plastik ha! Namumuro na siya sakin!" asik ko.
'Malapit ko ng tabasin ang baba niya!'
"Girlfriend?"
"Si Kotomi! Di ba girlfriend mo yung impakta na yun?!"
"Where the hell did you get that idea?"
"Hindi kayo?" Kumunot ang noo ko kasi di ako naniniwala sa kanya. "Eh, bakit kung maka-epal noong nag-away kami daig pa niya na magjowabels kayo?"
'Ay Ayumi bakit concern ka?'
"Hindi kami okay!" nakairap na sabi niya.
'Tss. Pakialam ko ba sa kanya kung di sila! Sus! Dapat mag-ingat siya sa sawang yun. Mamaya gapangin nalang siya ng babaeng yun. E di tepok ang pagiging single niya.'
BINABASA MO ANG
MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)
General FictionDearest Sofia, Every day I wish you were here with me, holding you tight. Being with you makes me happy. You are my reason for waking up in the morning and for drifting off to sleep at night. Mi amor, I love you so much that I cannot fathom what w...