Chapter 6

112 7 0
                                    

ASTRID'S POV

"Hmmmm ... what do you think of nanay's dress baby?" tanong ko sa anak kong si Augustus.

Nakasimangot na naman habang naglalaro ng game boy niya. Wala silang pasok sa eskwelahan, hindi ko alam kung bakit. Basta nalang nagdeklara na walang pasok ng wala naman magandang dahilan.

'Bwiset, sayang ang tuition!'

"Anak pansinin mo naman si nanay." nakikiusap na sabi ko. "Kapag di ka sumagot makakatikim ka ng kutos sakin."

"Tch, everything looks good on you mom." inip na inip na sagot niya.

'Good boy!'

"Nanay I wanna be like you when I grow up po." saad ni Mira na katabi ang kuya niyang masungit.

"Mas dyosa kay nanay?" tanong ko sa kanya habang nakalagay ang kamay sa panga.

"Tch! Nanay Mira will not be like you. She's pangit po."

'E di parang sinabi niyang pangit ako?'

"Oh, sige na tama na yan. Baka mabanatan ko kayong dalawa kapag nag-away lang kayo sa harapan ko."

"Love male-late ka na sa school."

Kakapasok lang nito galing sa pag-ja-jogging. Hindi ito pumapalya sa pagtakbo sa labas. Naalala ko ng minsan na sumama ako.

[FLASHBACK]

"OMG! Pagod na ako!" reklamo mo ko sa kanya.

"Love hindi ka naman tumatakbo pagod ka na agad?" natatawang sabi niya.

Uminom ako ng maraming tubig kahit kalalabas lang namin ng gate ng mansyon ni Cloud. Malapit sa Tokyo ang bahay namin yung tipong hindi puro building ang natatanaw mo.

"Balik na ako sa loob love, tapos na ako mag-jogging." paalam ko sa kanya. Pumihit ako pabalik sa mansyon ng hawakan niya ako sa braso.

"Love sayang ang effort mong gumising ng maaga."

"Mas masasayang ang ganda ko kapag nagpatuloy ako love. Please naman pasok na ako sa loob ha?" pakiusap ko pa.

Napangiwi siya.

Kagabi malakas ang loob kong magsabi sa kanya na kahit ilang kilometro pa yan makakaya kong tumakbo. King ina nasa gate palang ako hapong hapo na ako.

"Isang lap lang love, tapos balik na tayo." masuyong pakiusap niya.

"Iba talaga kapag maganda ang asawa mo noh, nabibighani ka lagi sa ganda ko love. Ayaw mong nawawalay ako sa paningin mo. Sige na nga, sasamahan na kita." mayabang na sagot ko.

Natawa siya ng malakas sa sinabi. 'E kung busalan ko kaya ang ngala ngala niya? Tawanan daw ba ang dyosa? Tsk!'Maya maya lang nagsimula na kami tumakbo.

I swear this will be my last time na mag jaja-jogging. Hayop pagod na pagod ang katawang lupa ko.

[END OF FLASHBACK]

Naramdaman ko ang pagbanat sa pisngi ko. "Love pumasok ka na bago ka pa ma-late."

*PAK*

Hinampas ko ang kamay niya na nakahawak sa pisngi ko habang sobrang sama ng tingin ko kay CLoud.

"Masakit!" inis na sabi ko sa kanya. "Mababanatan din kita kapag inulit mo pa yang pagbanat sa pisngi ko. Mamaya mawala sa ayos ang campus crush na mukhang to." inis na sabi ko.

MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon