Chapter 47

154 5 0
                                    

ASTRID'S POV

Pinuntahan namin ang pwesto na gustong bilhin ni Chiaki matapos namin mag-tanghalian. Nagulat ako kaninang umaga na tumatawag ito para sabihin na nakabalik na agad ito. Ginawa niya lang kapitbahay ang amerika.

"Maganda tong pwesto na nakuha mo. Malapit sa Unibersidad" saad ko.

Kung susumahin siguro nasa 100 sqm ang laki non. Knowing Chiaki, she doesn't like a narrow space. Mas makakagalaw ka nga naman ng mas maayos kaysa sa masikip na lugar.

"Yes! I studied everything, location, target, what people want, what people desire. I studied every possible thing to make a profit and satisfy our future customer!" Mahabang litanya niya.

"Si Aaron nalang ang kunin nating magdisensyo ng lugar." suhestyon ko.

"Anong ginagawa ng asawa mo?"

"Tsk! May tiwala ako kay Lambert, pero baka may kapalit kapag nanghingi ako ng pabor sa gagong yon." iritableng sabi ko.

"Mare kung masarap ang kapalit gumora ka na! Hahahaha!"

"Isa ka pa!"

Napangisi siya ng malawak. Binunggo bunggo din ang braso ko. Nababanas ako sa kanya. Kapag ako nainis maitutulak ko si Chiaki. Mawawalan ng ganda ang babaeng to.

Kahit paano kinilig din naman ako sa asawa ko kaninang umaga. Nasa tapat ng kwarto ko ang isang dosenang bulaklak ng mga puting rosas. May maliit din iyon na note. Napangiti ako ng maalala kung ano yung nakasulat.

To my beautiful wife,

I wrote your name in the sky but the clouds blew it away. I wrote you name in the sand but the waves washed it away. So I wrote your name in my heart and there it will always stay.

I love you from the bottom of the universe.

Love,

Your loving husband.

Kinikilig ako sa mga ganyang gesture ni Lambert. Hindi lang ako showy na tao pero kaya ko naman ipakita iyon kapag magkasama kaming dalawa. I can show it through my hugs and kisses.

"Anong ngiti yan mare?" tanong ni Chiaki.

"W-wala ah. Guni guni mo lang yan."

"Balita ko sa isla ng mga RichRoss tumutuloy si Natsuki."

"Oo doon nga. Nagpapagaling ng pagkatao. Binubuo muli ang sarili. Sigurado naman ako makakbangon si Natsuki."

"Good for her, basta ako ready na akong magmahal. Maghabol pala. Hahaha!"

'King ina anong konek?'

Di ko maiwasan mapasimangot sa kanya. Ang tindi ng pantasya niya na magkakajowa siya. E, wala nga akong nakikitang nanliligaw sa kanya. Natatakot yatang lumapit kasi babaliw baliw din ang isang 'to eh. Bagay na bagay sila ni Shyla na magsama sa mental hospital.

"Siyanga pala mare. Isama mo ako sa Bukidnon para makita ko si fafa Aqua. Ang gwapo gwapo niya." malanding saad nito.

"Akala ko ba si Alexander ang gusto mo?"

"Sinisinta ko yun si Alexander. Crush ko si Aqua, buddy ko si Logan. O di ba? Napapalibutan ako ng mga gwapings! Ang gondo gondo ko gurl!"

"Sa sobrang ganda mo hindi ka naman pinapansin. Pasalamat ka mabait lang si Logan kaya ka kinakausap. Huwag mong pipikutin si Logan, baby ko din yon."

MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon