LAMBERT'S POV
Nireport ni Pink at Aqua ang naging clash ng blackbird organization na pangalan ng lumulubog na Mafia organization ni Tristan.
"Aniki!"
Ang tumatakbong si Aaron ang nalingunan namin kasama ang mga kaibigan namin. Pero pinatigil sila ni Ira dahil hindi sila lahat pwedeng pumasok doon.Nang dumating sila daddy mabilis na inasikaso ng mga hospital staff ang mga ito.
"Anak kumusta ang mga apo ko?" tanong agad ni mommy ng makalapit ang mga ito.
"Okay naman sila mom, pero hindi ko alam kung magkakaroon ba ito ng epekto habang lumalaki sila." Niyakap ako ni mommy at daddy habang tinatapik ang likuran ko.
"Si Miranda nga ba ang totoong may pakana ng lahat, anak?" si mommy.
Tumango ako.
"She is nuts!" saad ni abuela. "Sa simula palang ay hindi ko na gusto si Miranda. Ayoko nalang makialam dahil malaki ka na Lambert. At alam kong kailangan mo ng karamay noon." saad ni abuela.
"Paano niya nagawa ang bagay na to?" tanong ni mommy na hindi lubos maisip na magagawa iyon ni Miranda.
"Sa selos." saad ko.
Napailing ang mga ito. Hindi makapaniwala sa narinig na dahilan. Sobrang babaw para pumatay ng tao.
"Aniki kumusta ang mga bata at si onesan?" tanong ni Aaron na sobrang nagaalala.
Ngumiti ako. "Ayos lang sila, nagpapahinga. Mamaya siguro ay magkakamalay na sila." paliwanag ko.
Halos magpigil ito ng luha dahil sa pag-aalala sa kapatid at pamangkin.
"Salamat hijo." saad ni nanay Alicia sakin. Niyakap ko lang ito ng mahigpit.
Lumabas si Aqua na siyang tumingin kay Astrid. "Boss maraming tinamong sugat si Miss Astrid. May ilang fractured bones din siya base sa x-ray na sinagawa kanina. At y-yung mga nilatigo sa kanya nangitim ang mga tinamaan niyon. Namamaga din ang mga pisngi niya sa tinamong mga sampal."
Naikuyom ko ang palad ko.
"Aaaahhhh! It hurts! It hurts!" nadinig kong sigaw ni Astrid.
Mabilis akong pumasok sa loob ng kwarto. Ginagamot ng mga babaeng nurse ang mga sugat niya sa likod na may latigo at sugat.
"Please stop!" umiiyak na sabi nito. Pumunta ako sa harapan niya. "Lambert tell them to stop. My left hip hurts so bad."
Napalunok ako sa nakikitang pagsusumano nito. "Babe it will be done soon, okay?"
Hinawakan ko ang kamay niya saka niya iyon halos pigain habang nililinis ng mga ito ang sugat niya.
"Malapit na tayong matapos Miss." saad ng nurse. Ilang saglit lang natapos silang linisin ang sugat niya. Dahan dahan nilang inayos ng pagkakahiga si Astrid. "Doc Aqua tapos na po."
Pumasok si Aqua. "Bibigyan ko ng painkillers si Astrid. Sana lang madaling mag-heal ang mga tinamo niyang sugat. Aabutin siguro ng isang buwan bago ang full recovery." saad nito.
Tumango lang ako.
"Nasaan ang mga anak natin Lambert?" umiiyak na sabi nito.
"Babe they are fine and sleeping. Ililipat ka na muna namin sa isang private room. All your family and friends are waiting for you." sabi ko sa kanya.
Umiyak lang ng umiyak to. Nakaramdam ako ng awa sa asawa ko dahil nadagdagan na naman ng isang masakit na alaala ang buhay niya. Pinunasan ko ang luha nito. Binigyan ito ng gamot ni Aqua para sa pain at pampakalma para makatulog ito. Nilipat ito sa isang malaking pribadong kwarto.
BINABASA MO ANG
MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)
General FictionDearest Sofia, Every day I wish you were here with me, holding you tight. Being with you makes me happy. You are my reason for waking up in the morning and for drifting off to sleep at night. Mi amor, I love you so much that I cannot fathom what w...