Chapter 17

121 4 2
                                    

ASTRID'S POV

Nakatingin ako sa libro pero lumilipad ang isip ko. Nadidinig ko si Chiaki na dumadaldal, pero hindi ko maintindihan iyon.

Sa tuwing maaalala ko kasi ang mukha ng manyak na umiiyak parang ako ang nahihirapan. Ako yung nasasaktan para sa kanya. Ngayon lang ako naka-engkwentro ng lalaki na sobra ang pag-iyak dahil sa isang babae.

Bihira kasi iyon eh.

Napaigtad ako ng kalabitin ako ni Chiaki sa balikat. "Ayumi, di ba magaling ka sa math?"

"Sakto lang bakit?"

"Buti ka pa sakto, ako zero visibility."

"Anong zero visibility?"

"May brain damage sa math."

"Ahhh ... shunga shunga ka sa math?" inosenteng sabi ko.

Napangiwi siya. "Ikaw na matalino mare! Ang ere mo nandito oh!" Nilagay niya ang kamay sa mataas sa ulo naming dalawa. "High na high ang kayabangan. Ano tinira mo kagabi?" nanunuksong sabi niya sakin.

Shabu.

Shabu ng pagmamahal.

Dalawang araw akong inalagaan ni Cloud. Kailangan lang pala lagi akong mag-eemote para asikasong asikaso niya ako.

"Astrid!"

Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses. May isang magandang babae na sumisigaw nalang sa pinto.

"Sir may I excuse Miss Astrid?" magalang na tanong niya sa lecturer namin na may shiny head.

'In-fairness maganda siya!'

"Sinong Astrid Miss Luisitania?"

Imbes na sagutin ang professor tumakbo ito paakyat ng hagdan. 'Bastos din!' Huminto ito sa tapat ko saka ngumiti ng malawak. Kulot ang buhok nito at nakangiti ang pares ng mata na kulay berde.

"Sumama ka sakin!" hawak niya sa braso ko. Nasundan ko ng tingin ang kamay niyang nakahawak sakin. Gusto kong alisin yun dahil baka may mikrobyo. Charot lang.  "Dali na! May kailangan tayong pag-usapan!" walang pakundangan na hinila niya ako patayo.

'Makahila parang walang pakiramdam ah!'

Hinila ko naman si Chiaki kaya para kaming mga tanga na naghihilahan. Wala kaming nagawa kundi magpatangay sa babaeng estranghera.

"Sir Dimapilis she'll be back after your class." magalang na paalam ng dalaga.

'After class?! Gaga din!'

Mabilis kaming lumabas ng klase. Nagtama pa ang mata namin ni Jonathan sa paraang nagtatanong kung saan kami dadalhin ng estrangherang babae. Nagpatianod nalang ako sa trip ng babaeng halos kaladkarin kami pababa ng hagdanan. 'Itulak ko kaya siya ng pumangit siya kapag naunang lumagpak ang mukha niya!' Nakarating kami sa ilalim ng puno ng acacia. Mayabong iyon na nagbibigay lilim sa tirik na tirik na sikat ng araw. 

Hingal na hingal naman kami ni Chiaki.Pakiramdam ko nanuyot ang lalamunan ko sa pagmamadaling makababa mula sa gusali ng sining at arkitektura. Kung namamaga lang ang paa ko makakatikim sakin ang babaeng to. Pasalamat siya nasa mood din akong magpahatak sa kanya, kundi natulak ko na talaga siya sa hagdanan.

'Ano ba kasi ang kailangan niya?'

Siguro i-rerecruit ako bilang maging cheerleader. Pwede naman ako don basta ba hanggang sakong ang palda at may manggas ang damit.

MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon