Chapter 33

123 7 7
                                    

Note: Play the background music.

LAMBERT'S POV

Isang buwan na ang lumipas. Napagdesisyunan kong humingi na ng tulong sa taas. Hindi na hawak ng mga doktor ang buhay ng asawa ko.

Kailan nga ba ako huling tumapak sa simbahan? Ni hindi ko na matandaan. Kung kailan may kailangan ako doon ko lang naalala na meron isang nilalang na mas makapangyarihan sa lahat.

Relihiyoso ang magulang ko, hindi ako. Alam kong tao ang gumagawa ng sariling kapalaran. Pero, palaging sinasabi ni mommy nakasulat na daw sa isang malaking libro ang tadhana ng bawat isa.

"Tatay why are we here po?" tanong ni Liel na nagbalik sa wisyo ko.

"I-pagpray si nanay, Mira." sagot ng kapatid nitong si Liam na para bang naiintindihan nito ang lahat ng nangyayari sa paligid.

"Liam is right Liel."

"Ano pong i-wi-wish ko? Ahhh! Alam ko na po tatay. Christmas wish ko po na sana gumising na si nanay." saad ni Liel na halatang excited.

Inutusan ko silang lumuhod at ipagsalikop ang dalawang palad. Kasama namin ang buong pamilya ko at sila nanay Alicia. Sila Raven ang kasalukuyang nagbabantay kay Astrid para bigyan kami ng pagkakataon na magkasamang buong pamilya.

Nagpapasalamat ako dahil nagkaroon ako ng tsansa na ipaglaban ang karapatan ko sa mga anak namin. Ginawa ni Lime ang lahat para hindi maging hadlang si Cloud para maging RichRoss-Einzberg ang dinadala nilang apelyido. Pinanalo namin sa korte ang kustodiya ng mga bata.

Sa kasalukuyan ay home study ang mga ito habang pinalalamig namin ang sitwasyon. Si binibining Anna na din ang kinuha naming teacher ng mga ito.

Sa pagdaan ng mga araw mas naging malinaw sakin kung anong klase ng tao si Cloud. Sila ang sikat na Mafia Lord sa bansang Japan. Ang black hunter. Karamihan sa mga nababalitan kong Mafia sa Japan ay tumutulong sa kapwa pero ang black hunter iba ang takbo ng kanilang organisasyon. Pumapatay. Nagbebenta ng droga, sila din ang pinakamalaking sindikato na nagbebenta ng mga kawawang bata o dalaga sa merkado. Pinagpapalit sa malaking halaga ng pera para masustehan ang mga halang ang bituka sa iba't ibang panig ng mundo. Walang gustong bumangga dahil kamatayan ang hatol ng mga ito.

"Tatay pray ka na po." utos ng babaeng anak ko na kasalukuyang nakatanghod sakin.

"Yes baby." Ginulo ko muna ang buhok nito bago umuhod ako at mariin na pumikit.

Hindi ko pa nasasabi ang hiling ko kusa ng tumutulo ang luha ko. Naramdaman ko ng paghaplos ni mommy sa likod ko.

'God, only you know the desire of my heart, right at this moment. Hindi pa ho ako sumusuko sa asawa ko. Ayokong sumuko dahil alam kong matapang ang asawa ko. Alam kong kayo lang ho ang may kakayahan na dagdagan ang buhay ng asawa ko. Nakikiusap po ako, gusto ko pa makasama ang asawa ko at maibigay ang bagay na gusto kong ipadama sa kanya. Mga bagay na hindi pa namin nasisimulan simula ng mawala siya sa buhay ko. I am asking not for a huge miracle, but even for a small chance I will take it. Mahal na mahal ko po si Astrid. Hindi ko kakayanin na mawala muli ang asawa ko sakin. Hindi ko na ho kakayanin.'

"Oh, Lambert. Everything will be alright, anak. Please be strong, okay?" niyakap ako ni mommy.

"Tatay bakit ka po umiiyak? Naiiyak na din po ako." si Liel.

Niyakap ako ng mga ito kaya mas lalong bumalong ang luha ko sa mga mata.

"Magiging maayos din ang lahat. Magpakatatag ka para sa mga anak mo. Mas ngayon ka nila kailangan."

MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon