Chapter 37

137 7 4
                                    

LAMBERT'S POV

Dalawang araw ang nagdaan ng magising si Astrid. Tahimik lang siya sa sa dalawang araw. Parang ang lalim ng iniisip. Minsan natutulala ito.

"Nasaan si Cloud? Bakit hindi niya ako dinadalaw?" malungkot ang boses na tanong nito.

Pinasyal ko siya sa labas ng ospital para makasagap ng sariwang hangin. Ang huling dalaw nito bago ang engkwentro namin sa eskwelahan ng mga bata. Naalala ko minsan ng marinig ko ang huling pagdalaw nito.

[FLASHBACK]

"Ayumi bakit ganyan na ang itsura mo? Bakit parang hindi na ikaw ang babaeng hinahangaan ko noon? Pumapayat ka. Ang tuyot na ng balat mo. Wala ka ng karisma."

Nakatunghay lang ito kay Astrid. Ni hawakan hindi niya ginawa. Walang kwenta ang lalaking ito.

"Sweetie pag-gising mo at maganda ka na ulit saka kita babalikan. Hindi kita pwedeng iharap sa mga kakilala ko ng ganyan ang itsura mo. Magpagaling ka ha."

Pumasok ako ng kwarto ng madinig iyon. Gusto ko siyang sapakin pero nagpigil ako. Ginawa niya lang asawa si Ayumi dahil sa itsura nito? Hindi dahil sa kabuuan nito?

Gago siya.

Masama lang ang tingin ko sa kanya. Sa tingin niya ba ibabalik ko pa sa kanya ang asawa ko?! Nagkakamali siya!

"Ihanda mo ang sarili mo Mr. Matsumoto! Huwag mo ng hangarin na mapapasayo muli ang asawa ko!" nagbabanta na talaga ako.

Tumaas lang ang sulok ng labi nito. Nasa mata nito ang mala-demonyong tingin. Humalukipkip ako sa kanya.

"Everybody bow down on me. Don't regret doing something stupid Mr. RichRoss. Death is my punishment."

"Same here Mr. RichRoss! Mag-unahan nalang tayo sa impiyerno kapag inagaw mo ang asawa ko. Pagbibigyan kitang kasama siya habang nakaratay. Once she's awake I'll take her back!"

Naikuyom ko ang kamao ko sa pagpipigil na masuntok siya. "Lay a finger on my family. You'll meet grim reaper the soonest!"

Ngumisi lang ito ng maangas bago lumabas ng kwartong iyon.

[END OF FLASHBACK]

Napaigtad ako ng hawakan ni Astrid ang ibabaw ng kamay kong hindi ko naiwasang maikuyom.

"May problema ba?"

"Wala may naalala lang ako. How do you feel?" naupo ako sa gilid ng wheelchair.

"Nanghihina pa din ako pero magiging okay din ako." mahinang sabi niya. "Sa tingin ko hindi na talaga ako makaka-graduate ng kolehiyo. Nahinto na naman ako." malungkot na sabi niya.

"Yun ba ang inaalala mo? Pwede ka naman mag-aral ulit. Half semester lang naman ang tatapusin mo, yun nga lang next year ang graduation mo. Ako na bahala sa lahat. Libre ka ng pag-aaral dito."

'Tsk!Kahit ilang beses ka pang mag-aral!'

Kinuha nito ang kamay ko. "Salamat Lambert, ha. Maraming salamat." biglang tumulo ang luha nito. Umiiyak na naman siya. "Hindi ko alam bakit hindi mo ako sinukuan. Nagpapasalamat ako doon. Napakabuti mo." dagdag nito habang humihikbi ng iyak.

'Tsk! Dahil asawa kita at mahal na mahal kita! Akala ko sa muling pagmulat ng mata niya maalala niya na ako. Hindi pa pala.'

ASTRID'S POV

MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon