LAMBERT'S POV
"Ready?"
"Ready saan?" nakakunot ang noo niya sa tanong ko.
"Ready ka na ba na maglibot? Kanina ka pa umiiyak. May nakita akong karnibal sa malapit. Let's go there. It would be my first time." excited na sabi ko.
"Parang bata."
"Tch!"
Pumunta ako sa bahay nila Astrid kanin para dalawin siya kahit magkasama lang kami ng lunch. Namiss ko agad siya kaya di ako nag-atubili na tapusin ng maaga ang trabaho ko sa opisina.
Pagdating sa tahanan ng mga San Agustin sinabi ni nanay Alicia na nag-stay ito sa isang resort. Sa Calatagan ito napadpad. Dalawang oras ang layo mula sa bahay nila. Hiniram ko ang motor ni Aaron para makalusot sa rush hour traffic.
"Ano pang tinatayo tayo mo dyan?" untag niya sakin.
'Di man lang ako hinintay!'
Binigay ko ang helmet sa kanya. Nang hindi niya maisuot iyon tinulungan ko na siya. Sinuot ko din ang jacket na dala ko sa kanya dahil maiksing short ang suot niya. Nag-iwas siya ng tingin ng magtama ang mata namin.
"Kumapit ka. Umusod ka din palapit sakin." utos ko sa kanya.
Sinunod niya naman ako. Naramdaman ko ang pagkapit niya sa gilid ng damit ko.Hinatak ko ang kamay niya para mapalapit siya sakin. Napangiti ako ng tuluyan na siyang yumakap sakin.
'Nahiya pa siya!'
Mabilis ang ginawa kong pagpapatakbo para mas lalong humigpit ang kapit niya sakin.
"Magdahan dahan ka naman!" malakas na sigaw niya sa tenga ko.
"Hindi ako bingi!" iritableng sabi ko.
Napapangiti ako dahil halos isiksik niya na ang sarili sakin.
'This is love!'
Pinaghahampas niya ako ng makababa kami sa motor. Natatawa lang ako sa kanya.
"Letse ka! Mamamatay ako sa sakit aa puso sayo!!!"
"Tch! Pump ko yang dibdib mo kapag nangyari yon para tumibok ulit sakin yan." turo ko sa puso niya.
"Bwiset!!!" inis na sabi niya.
Hinatak ko na siya sa kamay. Pipiglas sana siya ng mas higpitan ko ang pagkakasalikop ng kamay namin. Wala naman siyang nagawa kundi sumunod nalang.
Maraming tao sa lugar na yon.
"Yung wallet mo lagay mo sa harap mo. Maging cellphone mo." payo niya sakin.
"Bakit?"
"Maraming mandurukot sa mga ganitong lugar."
Sinunod ko nalang siya. Hindi nagtagal inaya niya ako sa mga gambling stations. Five pesos each ang tayaan. May bolang ihuhulog doon tapos tataya ka sa may mga kulay. Unang subok namin hindi kami nanalo hanggang sa nakaka isang daan na si Astrid saka lang siya tumigil.
"Walang kwenta." mahinang bulong niya. "Doon tayo sa baril barilan. Gusto ko yung stuff toy na malaki."
"Ibibili nalang kita."
"Gusto ko pinaghihirapan. Dali na kunin mo yung teddy bear na malaki."
"Tch!"
Nakarating kami sa firing squad na iyon. Binigyan ako ng bilog na panglagay sa baril.
BINABASA MO ANG
MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)
Genel KurguDearest Sofia, Every day I wish you were here with me, holding you tight. Being with you makes me happy. You are my reason for waking up in the morning and for drifting off to sleep at night. Mi amor, I love you so much that I cannot fathom what w...