AYUMI/ASTRID'S POV
Nasa isang photo shoot site kami para sa isang local perfume brand.
"Ayumi meron kang photoshoot bukas for casual wear. This is for the Yes-yes magazine." saad ni Kelly.
Nilingon ko lang siya ng bahagya. Masyadong punong abala ang kamay ko sa pagtingin sa official social media account na lovestagram para sakin.
Gusto niya daw ma-exposed ako sa publiko lalo't higit na marami na ang gumagamit ng mga sikat na social media apps.
"Di ba sikat na magazine yang Yes-yes Kelly?" tanong ni Natsuki habang inaayos ang eyebrows ko.
'Kilay is life nga daw da ba?'
"Yup! Pero hindi siya ang front cover." balewalang saad ni Kelly.
'Letse! Walang preno ang bibig! And, Hello! Hindi ako ang front cover? Sa ganders ng mukha kong to? May katarata sila sa mata! OMG!'
Si Kelly naman hindi man lang nag-!balang tumingin sa gawi namin. Kaulayaw niya ang laptop.
"Akala ko ba local brands lang beshiwa?" mahinang bulong ni Natsuki
"Aba!Simula ng maging manager ko si Kelly, kung sinu sino ang kinokontak!" inis na sabi ko.
"Nay!"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng cute na boses ni Mira. Weekends ngayon kaya naiwan sa bahay ang mga bata at Cloud.
Tumakbo si Mira, yun nga lang nadapa. Tiningnan nito ang tuhod na nasugatan. Tatayo na sana ako ng tulungan ito ni Gus.
"Tch! Clumsy." si Gus.
Kasunod ng mga ito si Cloud na may dalang piknik basket. Nagsumbong naman si Mira sa katangahan niya ng makalapit sila sakin.
"Nay masakit po." mangiyak ngiyak na pinakita ng anak kong babae ang sugat.
"Sa mahiwagang pag-ihip ni nanay gagaling agad ang sugat ni Mira."
Hinipan ko iyon na parang tanga. Natawa siya kaya pinugpog ko siya ng halik. Todo saway naman sakin si Natsuki.
"Nay you look so beautiful." puri Mira
"Ikaw lang ang pangit Mira." tuya ni Augustus sa kapatid.
"Mas pangit ka! Hmp!" si Mira
"Lampa ka naman!" si Gus.
Narindi ako sa pag-aaway nila. "Tama na mga anak baka mabanatan na kayo ni nanay." banta ko sa kanila.
Natawa si Cloud sa sinabi ko.
"Hi sweetie nainip kami ng mga bata sa bahay kaya dinalaw ka na namin dito sa site." Niyakap ako ng mahigpit saka dinampian ako ng halik sa noo.
'Tss .. noo na naman!'
"Langgamin kayo bes." pasaring ni Natsuki.
"Cloud pare!" sigaw ni Jervis.
Kumaway ito sa kanya. Tinanguan siya ni Cloud saka tinaas lang ng bahagya ang kamay. Hindi ko alam paano naging doktor si Cloud kulang kasi sa social skills eh.
"I got some snacks, baby. Are you done with the photoshoot or just starting?" tanong niya.
'Tanga din to? Nakikita ng inaayusan ako ng dumating ako kanina eh! Tsk!'
BINABASA MO ANG
MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)
General FictionDearest Sofia, Every day I wish you were here with me, holding you tight. Being with you makes me happy. You are my reason for waking up in the morning and for drifting off to sleep at night. Mi amor, I love you so much that I cannot fathom what w...