Chapter 32.1

117 6 7
                                    

CHIAKI'S POV

Hindi ako pumasok sa klase ng araw na iyon para sabihin kay Lambert ang plano ni Natsuki ngayon araw. Kinakabahan ako para sa kanya at humahanga dahil sa katapangan niya. Nasasaktan para sa kanya dahil sa masalimuot na sinapit niya sa kamay ni Cloud.

Pagdating sa kwarto ni Astrid si Shyla ang nandoon.

"Shyla nasaan si Lambert?"

"Umuwi saglit para kumuha ng mga pamalit niya."

"Babalik din ba siya agad?"

"Oo babalik din daw siya agad, bakit? Bakit parang takot na takot ka? May nangyari ba girl?" kunot-noo na tanong nito.

"W-wala. Kausapin ko muna si Astrid baka sakaling magising ang bruha. Ang magandang boses ko lang siguro ang kailangan niya."

"O sige ibibigay ko sayo ang mamanahin ko kapag nagising yang si Astrid." biro nito sakin.

"Gaga! Lakas loob mo makipagpustahan kasi hindi siya magigising sa pinagpalang boses ko!"

"Correct!" nakangising saad niya.

Nilapitan ko si Astrid, hinawakan ang kamay nito. Lumapit ako sa kanya sa paraang siya lang ang pwedeng makakarinig. Alam kong kahit comatose ito madidinig ako nito.

"Astrid kailangan ng tulong ng mga anak mo. Huwag mong hayaan na may mangyaring masama sa kanila, okay? Hihintayin ko lang ang tunay na asawa mong bumalik para masabi ko sa kanya ang lahat lahat." mahinang sabi ko. Napahigpit ang hawak ko sa kanya na parang kay Astrid kumukuha ng lakas.

Isang oras lang ako naghintay bago bumalik si Lambert. Nagpaalam naman agad si Shyla na papasok na ulit sa opisina nito.

"Direktor, pwede ka bang makausap?"

"Tungkol saan?"

"Tungkol sa mga bata."

Kumumot ang noo nito. "Tungkol ba yan sa hindi mo pagdala ng mga bata dito ng ilang araw? May nangyari ba?"

"Hindi ka ba nagtataka na hindi ko dinadala ang mga anak mo?"

"Alam kong hihigpitan ni Cloud ang curfew ng mga anak ko Chiaki. Hindi ako nag-aalala sa kanila dahil alam kong kahit paano minahal ni Cloud ang mga bata na parang tunay na anak."

"Dati yon."

"Anong ibig mog sabihin?"

"Si..sinasaktan ni Cloud ang mga bata."

Nagulat ito sa sinabi ko. Sumeryos ang mukha nito at nagtagis ang bagang at mga ngipin nito. Hindi ko mabigyan ng deskripsyon ang galit na nakikita ko sa mukha ni Lambert.

Nakakatakot.

Mapanganib.

"Ba-bago ka magalit, may plano na kami ni Natsuki at ngayong araw iyon. Kailangan mong magawa ngayon direktor dahil hindi si Cloud ang susundo sa mga bata ngayon."

"Kahit siya pa ang sumundo wala akong pakialam."

Natahimik ako.

"Delikado, baka mapahamak ang mga anak mo. Bantay sarado ang mga ito ng mga tauhan ni Cloud."

"Chiaki, kahit gaano pa yan ka-delikado makikipagpatayan ako para sa pamilya ko sa oras na may makita akong galos o sugat sa kanila." nagbabaga sa galit ang mga mata nito.

Nang makabawi pinaliwanag ko sa kanta ang plano ni Natsuki.

LAMBERT'S POV

Habang palabas ang ospital tinawagan ko Redfox. "Nasaan ang Rolex?"

MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon