ASTRID'S POV
Maaga umalis ang mag-amang RichRoss para sa pagsisimula ng konstruksyon ng mga mini kubo sa isang parte ng lupa malapit sa taniman ng mga pinya ayon kay mommy Deanna. Modernong kubo na ang haligi ay concrete.
Samantalang kami ni Chiaki aya abala pag-usapan ang negosyong gusto naming simula pagbalik ng Batangas.
"Mag-kape muna kayo. Kanina pa kayo seryoso sa pinag-uusapan ninyo." binaba ni Natsuki ang kape sa lamesa. Umupo na din ito doon. "Mamayang gabi ang dating ng mga bisita ni Lambert di ba?" halatang excited ang boses nito.
'Excited makita si Ethan? Echosera 'to!'
"Oo mare! Kaya kailangan fresh looking tayo mamaya."
"Tsk! Fresh looking tapos di naman kayo pinapansin. Mga hitad na 'to!"
"Think positive mare para sa future!"
"Ewan ko sa inyo! Darating din ang mahaderang si Joshua at Tessa mamaya. Talbog ang beauty niyo!" panunuya ko pa sa kanila.
"Mare pambato ako noong elementary. Na-chugi lang noong high school dahil sa double eyelid surgery ng classmates kong feeling maganda."
"Ikaw din feeling."
"You're hurting my feelings mare." maarteng saad nito.
"Tsk! Ay nako!Bahala nga kayong dalawa mag-inarte." kinuha ko ang tasa ng kape saka iyon hinigop.
Nag-focus ako sa ginagawang feasibility studies para sa negosyong bubuksan namin. Habang ang dalawa nagkukwentuhan tungkol sa mga lalandiin nila mamayang gabi.
Di ko namalayan ang oras.
Napaigtad ako ng may umakbay sakin. Pagtingala ko si Lambert iyon. Luminga ako sa paligid wala na yung dalawa.
Nairita ako sa kanya. "Tanggalin mo yang kamay mo kung ayaw mong ihampas ko sa mukha mo ang laptop."
"Meron ka ba babe kaya ang sungit mo sakin?" mahinang bulong niya sakin.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Alis nga!"
"Tch! Ganyan agad ang salubong mo sakin? May dala pa naman akong bulaklak para sayo."
May nilabas itong isang bungkos ng bulaklak mula sa likuran niya. Kinilig naman ako sa kanya.
Tumikhim ako. "Ipakain ko pa sayo ang bulaklak na dala mo." iritableng sabi ko.
Hinatak nito ang upuan. Tumabi sakin. Nilagay ang bulaklak sa lamesa. Nakita ko sa peripheral vision ang pagsilip nito sa ginagawa ko. Nakakunot ang noo niya sa ginagawa ko.
"Babe mali mali ang gawa mo."
"Mas magaling ka pa sakin! Sinadya ko talagang maliin yan!" pagdadahilan ko.
"Palusot ka pa. Akina na nga at tutulungan na kita para masolo kita." Walang pasabi na kinuha nito ang laptop.
"Ako na nga! Business mo?"
"Hindi pero naiirita ako sa gawa mo!"
"Mas nakakairita yang pagiging pakielamero mo."
"Tutulungan na nga kita." suhestyon nito. Pinihit nito ang ulo ko sa screen. Inisa isa nito ang mga detalye na dapat kong baguhin.Inayos ko kasi ang projected profit namin ni Chiaki.
"Babe parang ladder ang business. Magsisimula ka talaga sa bottom hanggang sa makarating ka sa pinakatuktok. Kapag hindi kumikita ang negosyo mo mali ang strategy na ginagawa mo o kaya naman hindi maganda ang lokasyon at mali ang target mong customer." mahabang paliwanag nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/244334129-288-k415026.jpg)
BINABASA MO ANG
MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)
General FictionDearest Sofia, Every day I wish you were here with me, holding you tight. Being with you makes me happy. You are my reason for waking up in the morning and for drifting off to sleep at night. Mi amor, I love you so much that I cannot fathom what w...