ASTRID'S POV
Wala akong ideya kung bakit pinagbihis ako ng semi formal ni Cloud. Pagdating sa docking area may yate na nakahanda doon. Parang nanghina ang tuhod ko bigla. Napahigpit ang kapit ko sa kamay nito.
'Bakit natatakot ako?'
Pag-akyat namin sa yate sa itaas niyon ay may candlelit dinner na nakahanda. Nang medyo umuga ang sasakyan nanlamig ang buong katawan ko.
"Daijobodesuka Anata?" nagaalalang tanong ni Cloud.
"Oo medyo nahilo lang ako sa pag-uga ng yate." pagdadahilan ko.
Pinaghila ako ni ng upuan bago ito naupo sa tapat ko. Maya maya lang pumailanglang ang isang musika.
Now Playing: Make You Feel My Love
🎶When the rain is blowing in your face
And the whole world is on your case
I could offer you a warm embrace
To make you feel my love
"May I dance with my beautiful wife?" Nilahad nito ang kamay sakin.
Nakangiting inabot ko ang kamay niya. Nilagay ko ang kamay sa balikat niya. Mababanaag sa mga mata niya ang saya at lungkot.
🎶 When the evening shadows and the stars appear
And there is no one there to dry your tears
I could hold you for a million years
To make you feel my love
"This song tells how madly in love I am with you, Ayumi. I want to show how this love is growing every single day. That I would do anything in the world to show you that I never regret loving you." matamis at madamdamin na sabi niya.
"Thank you for loving me unconditionally, Cloud. I hope I will remember everything soon. I want to remember all the bad and good memories we shared until today."
Napuna kong kinabahan siya sa sinabi ko. He stiffened for a bit and I heard a heavy sigh. Hindi nalang ako nagpahalata na napansin iyon.
"You don't have to remember it sweetie. We can create new memories."
'Ayaw niya bang bumalik ang alaala ko?'
Natapos ang kanta kaya inalalayan niya ako umupo. Nagsimula kaming kumain. Pasulyap sulyap ako kay Cloud. Naramdaman kong umandar ang yate kaya hindi ko maiwasan mapalunok sa sobrang kaba. Parang nababarahan ang lalamunan ko. Napahawak ako sa leeg ko na para bang naninikip. Uminom ako ng tubig.
"Nagustuhan mo ba ang sorpresa ko sayo sweetie?" Pinagsalin niya ako ng alak sa baso. Tinungga ko yun na parang tubig.
'Alak ba talaga yon? Ang sarap ha! Matamis at medyo gunuguhit sa lalamunan!'
"Yes."
'Hala sinagot niya ako! Mind reader ampupu!'
"Good and I want you to wear this necklace as a symbol of my love for you." Umikot ito sa likuran ko para isuot ang kwintas.
Kumirot ang ulo ko. May mga alaalang pumapasok sa isipan ko. Sa sobrang dami parang gusto kong sumigaw. Wala akong maintindihan sa mga iyon. Tumungga ulit ako ng alak baka makatulong.
"Are you really okay?" untag niya sakin. Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kanya. "Kanina ka pa namumutla sweetie."
"I'm okay." Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. "Cheers?"
BINABASA MO ANG
MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)
Ficción GeneralDearest Sofia, Every day I wish you were here with me, holding you tight. Being with you makes me happy. You are my reason for waking up in the morning and for drifting off to sleep at night. Mi amor, I love you so much that I cannot fathom what w...