LAMBERT'S POV
Madaling araw na kaming natulog ni Astrid at ng buong pamilya kagabi. Nagkwentuhan ang mga ito ng kung anu anong bagay na may kinalaman sa pagkawala ni Astrid ng limang taon. Sinabi na din nito na naalala niya na ang lahat.
"Babe tanghali na." mahinang gising ko kay Astrid. Alas dose na nang umaga. Usapan ng pamilya aalis kami matapos ang tanghalian. Mahirap maabutan ng dilim sa himpapawid dahil sa bulubundukin ang ilang parte ng Bukidnon.
"Anong oras na ba?"
"Alas dose na."
"Ano ba kasi ang gagawin natin sa Bukidnon?"
"Magbabakasyon at may proyekto akong sisimulan doon para sa mga empleyado."
Naghihikab na tumayo ito mula sa kama. Sa bedside table ay may mga sariwang bulaklak akong nilagay.
"Kinakarir mo talaga ang panliligaw ha." Kinuha nito iyon saka inamoy bago binalik sa lamesa. Binasa din nito ang sulat na nandoon, pero wala akong nakitang reaksyon sa mukha niya. "Anyway, thank you." wala man lang kangiti ngiti iyon.
"Masaya ka ba na nakakatanggap ng bulaklak sakin?" di ko napigilan na magtanong sa kanya.
"Masaya."
"Bakit ganyan mukha mo babe? Wala man lang ako makitang ningning sa mata mo?"
"Lagyan natin ng bombilya para maningning."
"What the fvck?!"
"Sabi ko lagyan natin ng bombilya. Kung di ka satisfied ring light nalang. Mura lang yon sa divisoria." saad pa nito.
"Nang-iinis ka ba?"
"Hindi."
"Nakakainis ka!"
"Ako pa ngayon nakakainis? Nagsa-suggest na nga ako sayo. Para makita mo talaga ang ningning sa mata ko."
"Tch! Maligo ka na. Naka-ready na ang pampaligo mo." naiinis na utos ko.
Inirapan niya lang ako bago ito nagmamadaling pumasok sa banyo. Nakakainis talaga siya. Hindi man lang yata na-appreciate ang panliligaw ko. Pakipot pa ang asawa ko, pero kung makayakap naman sakin kagabi akala ko mawawala ako.
"Lambert!!! Nakalimutan ko ang tuwalya!" malakas na sigaw nito.
Napailing nalang ako. Pumasok ako sa loob ng banyo. Dumiretso ako sa closet doon kung saan nandoon ang nakasalansan ang tuwalya. Naupo ako sa gilid ng bathtub. Nakasandal ang ulo nito sa pasimano doon.
"Babe sundan na natin ang mga bata." nakangising sabi ko. Winisikan niya ako ng tubig sa mukha. Sumimangot ako. "Talikod, ako mag-shampoo sa buhok mo." Tumalikod ito sakin saka inabot sakin ang bote ng shampoo. "The length of your hair looks good on you, babe. Kapag masyadong mahaba natatakpan ang hubog ng katawan mong straight."
"Siraulo! Straight uppercut gusto mo?"
"Tch! You punch me in exchange for a deep kiss." nakangising sabi ko. Humarap siya sakin. Nilubog ko ang kamay ko sa tubig para mawala ang shampoo.
Ngumuso siya sakin. "Kiss me now so I can punch your face later."
"Tch! Kiss and touch babe."
"Gago! Lumayas ka na nga dito."
"Nasaan na ang kiss ko?"
"Expired na. Sige layas!"
BINABASA MO ANG
MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)
Ficción GeneralDearest Sofia, Every day I wish you were here with me, holding you tight. Being with you makes me happy. You are my reason for waking up in the morning and for drifting off to sleep at night. Mi amor, I love you so much that I cannot fathom what w...