Chapter 5

117 8 0
                                    


LAMBERT'S POV

"LAMBERT SWEETIE!!!"

Ngumiti ako sa babaeng kumakaway sakin paglabas namin nila mommy at daddy ng airport. Limang taon ang dumaan bago ako nakatapak muli sa Pilipinas.

Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Miranda. Nagkaroon ako ng pagkakataong kilalanin ang babae ng lubusan ng magbakasyon ito sa Europe ng isang taon.

Wala ligawan na nangyari, basta naging kami nalang. Naging masaya ako sa relasyon namin. Malaki ang pinagbago ni Miranda simula ng magkita kami sa Europe.

"God! I miss you hon! Akala ko wala ka ng balak umuwi, eh." nakangising sabi niya habang nakayakap sa bewang ko.

"Tch! I miss you too, hon." hinalikan ko siya sa buhok.

"Miranda hija, kumusta ka na?" nakangiting tanong ni mommy.

Kahit magkasintahan kami ni Miranda hindi pa ito nakatuntong ng Einzberg. Fiancé o asawa lamang ang maaring makapasok doon.

'Balak ko ng magpropose sa kanya. Panahon na siguro para magkaroon ako ng sariling pamilya.'

"Tita Deanna, welcome back po." magalang na bati niya sabay yakap kay mommy. "Tito nice to see you healthy and good looking." biro niya kay daddy.

Napangiti si dad sa sinabi niya.

"I have to hija para hindi ako iwanan ng magandang asawa ko." sagot ni dad na nakatingin kay mom.

"Bolero ka pa rin. O siya tara na umuwi ng Batangas. Malayo pa ang biyahe natin." anyaya ni mom.

Inakbayan ko si Miranda saka nagsimulang maglakad papunta sa nakaabang na sasakyan na susundo sa amin.

Nasa likuran namin ang anim na Rolex. Si Kuya naman ang kinoronahan na bagong hari ng Einzberg matapos pakasalan si Bettina ngayong taon.

Away-bati at puro kabaliwan ang naging

relasyon nilang dalawa. Ikaw ba naman magpakasal sa isang mukhang mangkukulam na si Bettina dahil sa palaging itim ang suot niya.

Kahit sabihan mo pang maganda at mabait si Betty. Weird pa rin talaga siya sakin.

"Why are you smiling hon?" si Miranda

Pinauna ko siyang sumakay ng sasakyan. Magkatabi kami sa upuan. Inakbayan ko siyang muli. Pinatong niya ang baba sa balikat ko saka muling inulit ang tanong niya.

"Naalala ko lang si Bettina. My evil witch sister in law." natatawang sabi ko.

Napangiti siya. "Sumbong kita sa kanya mamaya." naka-pout na sabi niya.

"Tch!"

Natawa siya sa inasal ko. Hinilig niya ang ulo sa balikat ko saka yumakap sakin. Hinapit ko siya lalo palapit sakin. I was thankful I met the real her. She was way different back in college days. She is more matured now, understanding and patient. Isang taon lang ang tanda ko sa kanya. Trenta na ako, siya naman at bente nuwebe.

"Namiss ko ang Pinas!" saad ni Cobalt na nakaupo sa harap ng sasakyan.

"Namiss mo ang Pinas o babae?" patutsada ni Peter.

Si Mang Delfin ang sumundo samin. Asawa ni Manang Sonia na matagal ng katiwala ng mansyon sa Batangas.

"Syempre parehas!" walang gatol na sabi niya.

MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon