CLOUD'S POV
"Happy birthday pre!" bati ni Jervis.
Niyakap ako nito saka tinapik sa likod. Inabot niya sakin ang regalo niyang susi ng sasakyan.
"Hindi ka na sana nag-abala pre. Presence niyo lang ayos na sakin."
"Tsk! It's time for you to change your old car. Kuripot ka masyado." natatawang sabi ni Jervis.
"Gumagana pa naman kasi ang sasakyan ko." sabi ko.
"Kaya ka lalong yumayaman eh." biro pa niya ulit.
Natatawang napailing nalang ako sa tinuran niya. Hangga't pwedeng gamitin, gamitin. Kapag nasira saka lang palitan.
"Oh, eto naman regalo ko sayo." saad ni Natsuki.
Binuksan ko iyon, at isang t-shirt na may nakalagay na awesome! Napangiti ako sa simpleng regalo na iyon.
"Salamat Nat."
Niyakap niya ako saka humalik sa pisngi na kinagulat ko. Hindi naman niya iyon ginagawa dati. Naamoy ko tuloy ang gamit niyang shampoo. Lumayo siya sakin saka malawak na ngumiti.
"Dad, kiss and hug po ang regalo ko sayo." saad ni Mira. Napangiti ako saka siya binuhat. Hinalikan ako sa pisngi nito. "Love you daddy."
"Love you too."
"Dad, happy birthday po." nahihiyang sabi ni Gus. Nagulat ako ng bigyan niya ako ng isang card. Hindi kami magkasundo ni Gus pero kapag sinumpong ito nagiging sweet ito sakin.
"Thank you son." nakangiting kinuha ko ang card.
Niyakap ko siya at ganon din ito. Nakaramdam ako ng saya ng yumakap sakin ang dalawang bata. Pakiramdam ko nabuo ang isang pamilya sa araw ng kaarawan ko.
"Read it later dad." saad ni Gus.
Tumango ako sa kanya.
"Happy birthday to you." Lumabas si Ayumi sa kusina bitbit ang isang bilog na cake. Sinabayan nila sa pagkanta ang asawa ko. Nakangiti ito habang naglalakad palapit sakin. "Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you." Huminto siya sa tapat ko. "Blow your candle na sweetie." utos niya sakin. "Mag-wish ka muna pala."
"Daddy close your eyes na and make a wish."
Binuhat ko ang dalawang bata. "Sasabayan niyo si daddy na mag-blow ng candle, okay?" tumango silang parehas. 'Isa lang ang hiling ko na sana hindi na mawala sakin si Ayumi at ang dalawang bata!' Binuksan ko ang mata ko. "Ready?"
"YES!" saad ni Mira.
"Ichi, ni ... san."
Hinipan naming tatlo ang maliliit na kandila na may bilang yata na trenta. Malakas na pumalakpak si Mira. Naiingayan naman si Gus sa kanya na tipikal sa ugali niya. Binaba ko ang dalawang bata. Binuksan ni Jervis ang champagne.
"PLOK!"
"Ahhhh!" tili ni Mira na may pagtakip ng tenga.
"Ang OA mo talaga anak." saad ni Ayumi.
Napangiti ako. "Manang mana sa nanay?" biro ko sa kanya.
"Hindi ah, mamaya ko na ibibigay ang regalo ko sweetie." sabi niya.
Sinalinan ni Jervis ang mga baso namin ng champagne. "CHEERS!" malakas na sabi niya saka tinaas ang baso. Nakitaas din ang dalawang bata na gatas ang laman ng baso. Napangiti nalang kami sa kanila.
BINABASA MO ANG
MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)
General FictionDearest Sofia, Every day I wish you were here with me, holding you tight. Being with you makes me happy. You are my reason for waking up in the morning and for drifting off to sleep at night. Mi amor, I love you so much that I cannot fathom what w...