Chapter 32

112 5 0
                                    

Note: Tatlong parts of ang Chapter 32. Mahaba po kasi kapag isang page lang.

■■■■

CLOUD'S POV

Pababa ako ng hagdan, nakita ko si Natsuki kasama ng mga bata na nag-aaral sa salas. Simula ng pagbataan ako ni Lambert na kukunin niya sakin ang mga bata, nag-higpit ako sa kanila na lumabas.

'Hindi ko hahayaan makuha niya sakin ang pamilyang binihisan ko ng kasinungalingan.'

"Mira, Gus aalis tayo."

"Ayoko po daddy." tanggi ni Mira.

"Me too." si Gus.

"Ah, eh Cloud gumagawa pa sila ng assignments nila. Mas maganda kung tatapusin muna nila 'to. Nahihirapan kasi si Mira na matutuhan ang math." singit ni Natsuki.

Hindi ko nagustuhan ang pag-apela nito. Wala siya sa posisyon para sabihin sakin ang kailangan kong gawin.

"I don't care. Gusto kong lumabas kami ng mga bata sa ayaw o gusto nila." maotoridad na sabi ko.

"Pero--"

"Shut up, Natsuki. Hindi ikaw ang nanay ng mga anak ko." bored na sabi ko.

"You're not our dad either."

Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang sinabing iyon ni Augustus. Natakpan ni Natsuki ang bibig nito. Umakyat ang galit ko sa ulo dahil sa sinabi nito. Mabilis akong naglakad palapit sa mga bata. Dinakma ang braso ng batang lalaki.

"What did you say Liam?!" Napaigik ito sa sakit.

Lumapit si Ameerah, pilit tinatanggal ang kamay ko. "Dad! Nasasaktan po si Liam. Let him go."

"Cloud anong ginagawa mo? Wag mong patulan ang bata."

"Sinabi kong huwag kang makialam, Natsuki!" tinabig ko si Natsuki na nasaldak paupo muli sa sofa.

"Hindi ikaw ang daddy namin! You don't own us!" malakas na saad ni Liam.

*PAK*

Nagdilim ang paningin ko at malakas na nasampal ang ito. Nagdugo ang gilid ng labi. Mas lalo akong nanggigil ng tiningnan ako nito ng masama. Dahil sa ginawa nito, naalala ko ang mga tingin ni Mr. RichRoss.

"Cloud!!!!" Humarang si Natsuki sa mga bata. "Hindi mo tamang saktan ang mga bata!"

"Umalis ka dyan Natsuki! Hindi pa ako tapos disiplinahin ang mga anak ko!"

"Hindi ako aalis! Inaanak ko ang sinasaktan mo!!!"

Hinatak ko si Natsuki kahit pa masaktan siya. "Sinabing huwag kang makialam!!!" Malakas na sampal ang binigay ko sa kanya.

"Oba-san!" sabay na saad ng mga bata. Nagsimula silang mag-iyakan.

Dinaluhan din nila ito dahil hindi lang sampal ang nagawa ko. Naitulak ko din ito dahilan para mapaupo sa sahig.

"Stop crying!!!!" Hinila ko ang sinturo sa bewang. Pinulupot sa kamay iyon.

"Cloud! Wala kang karapatan saktan ang mga bata!!!" Hinarang muli ni Natsuki ang sarili.

"Wala nga ba Natsuki?!" malakas na saad ko. "Limang taon ko silang pinakain, pinatira, at binihisan sa pamamahay ko! Binigay ko buong atensyon ko sa kanila tapos sasabihin mo sakin wala akong karapatan?!"

Niyakap nito ang dalawang bata. Matalim ang mga matang tumingin it sakin. "Oo wala! Dahil hindi naman ikaw ang magulang o tatay ng mga bata!"

MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon