Chapter 18

115 6 0
                                    

LOGAN'S POV

Nasa parking lot ako ng matanaw ko si Astrid. Sa tagal ng panahon na lumipas hindi pa rin ito nagbabago. Mas lalong gumanda ito sa paningin ko.

"Hey!" tawag ko sa kanila.

Lalagpasan dapat nila ako. Hindi ba ako kalingon lingon? Samantalang ang ibang babae sa campus halos magtambay na sa harapan ko. Kulang na nga lang magpa-autograph sila sa kagwapuhan ko. Nainsulto ako.

"Yes? What can we do for you?" tanong ng babaeng singkit ang mata.

Maganda siya.

"Pinadala ako ni Miss Henrietta para sunduin ko kayo mga binibini." nakayukod ako sa kanila bago ibinigay ang mapang-akit na ngiti.

Walang reaksyon si Astrid. Kahit kailan talaga nakakainis ang babaeng to. Kahit magtumbling siguro ako sa harapan niya walang karisma ang gwapo kong mukha pagdating sa kanya.

"Oy mare! Nasa planet earth pa ba yang utak mo?" tanong ng kaibigan kay Astrid.

'Di man lang ako pinansin. So sad.'

"Di ko alam na nasa planetang earth pala tayo. Bakit may extraterrestrial tayong kasama sa klase?" bored na sagot niya.

'Tsk! Mapanlait pa rin!'

Di ko tuloy naiwasan mapangiti. Same as ever baby A. Same as ever.

"Sino naman?"

"Kotomi."

"Gagi ka!" natatawa na napapailing ang kasama niya sa kanya. Tumingin sakin si chinita. "Ano palang name mo kuya?"

'What? Kuya?! Hindi pa ako matanda! Turn off ako sa kanya!'

"Logan." tipid na sagot ko.

"Longgan? Prutas yun ah." si Astrid.

Nawala ang ngiti ko sa labi sa pambababoy niya sa pangalan ko. Kapag ako nawalan ng control hahalikan ko siya sa leeg. Hahaha.

Tumikhim ako. "L O G A N ... ini-spell ko na sayo ha. Miss Ayumi." nakangising sabi ko.

Tumaas ang kilay niya at ngumisi sakin ng matamis. "Sure! LOGAN!"

The way she said my name felt so warm and genuine even though she's using a sarcastic tone. She raised her eyebrows and rolled her eyes at me.

Natawa nalang ako.

Binuksan ko ang passenger seat at nilahad ang kamay. "Get in mademoiselle."

"Ikaw na sa harapan CJ." malumanay na alok ni Astrid sa kaibigan. "Dito na ako sa likuran." Binuksan niya ang pinto ng backseat at naunang maupo doon.

"Thank you Kuyang gentleman." saad ni Miss Chinita sakin. Lalong nawala ang mata nito ng ngumiti. "Hatid mo kami mamaya ha. Balikan nalang namin kotse namin dito." saad nito.

Tumango ako.

Binuksan ko ang makina ng sasakyan at minaniobra iyon palabas ng campus. Ilang minuto lang dumaan ang katahimikan bago nagsalita ang kaibigan ni Astrid.

"By the way Logan my name is Chiaki, 24 years old, available maging kaibigan." nilahad nito ang kamay.

Sandali ko siyang tiningnan. Inabot ko naman iyon. Malambot ang palad nito na halatang walang alam sa trabahong mabibigat.

"Nice to meet you, Chiaki."  tinutok kong muli ang mata sa daan.

"Uhmm ... and my friend here is Ayumi Matsumoto. Baka bukas magpapalit na siya ng pangalan. Everybody keeps calling her Astrid, isn't that rude?" napapailing na saad nito.

MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon