Chapter 11

120 8 0
                                    

 

ASTRID'S POV

"Look at me Miss Ayumi." saad ng photographer ng yes-yes magazine.

'Hindi naman siya gwapo para tingnan! Peste!'

Naningkit ang mata ko.

"That's the right look I wanted!"

'Ayst!'

Isang blazing red kimono red na sobrang sexy ang cut ang pinasuot sakin. Ayos lang naman ang ganon basta yung tipong may takip pa rin ang katawan ako. Hindi naman ako dalaga para ipakita sa buong Japan ang katawan ko.

Sunud sunod ang ginawang pakuha sakin ng litrato bago siya sumigaw ng.

"Perfect!"

Napagod ang katawang lupa ko dahil doon. Hinubad ko agad ang mataae na sapatos na katerno ng kimono imbes na bakya. Ang sakit tuloy ng binti ko.

Binigyan agad ako ng slippers ni Natsuki. Siya pa din kasi ang make-up artist ko. Hindi ako pumayag na iba ang maglagay ng kolorete sa mukha ko.

"Good job!" salubong sakin ni Kelly. "This limited edition will be out next month." pagbabalita niya sakin.

'Wala akong pakialam!'

"Kelly mawawala ako sa mga susunod na buwan. Kasama ako sa mga exchange students na pinadala sa main campus." diretsong sabi ko sa kanya.

Laglag ang panga na tumingin siya sakin. "Hindi pwede! Paano ang career mo?" tutol niya agad sakin.

"I am working on my future career." seryosong sabi ko ng harapin ko siya. "Wala ka ng magagawa dahil sa lunes na ang alis namin. So, goodbye modeling and hello to fashion designing." mapaklang sabi ko sa kanya.

Nilagpasan ko siya habang tulala sa sinabi ko. Hindi ko kasalanan kung mas uunahin ko ang pag-aaral kaysa sa trabaho. Ilang taon na ako hindi pa rin ako nakaka-graduate.

'Gosh!'

"Sigurado ka na ba dyan?" tanong ni Nat.

"Oo naman noh!"

Wala naman akong desisyon na hindi ako sigurado. Pinag-isipan ko na yan kagabi pa. Nakausap ko na din si Cloud. Pumayag na akong suportahan niya ang magandang asawa niya. Haha!

"Bilisan natin Nat, magkikita kami ni Chiaki sa Akihabara." madali ko sa maarteng maglakad na si Natsuki.

"Girl hindi tatakbo ang Akihabara!"

"Late na kasi tayo!" inis na sabi ko.

Sa lahat ng ayaw ko nale-late ako sa usapan. "Nakakahiya naman kasi sa kupad mong maglakad!"

"Wow! Maka-kupad wagas! E di iyo na ang korona ng no absent, no late." sarkastikong sabi niya.

'May isang absent na kaya ako!'

"Aba! Nagmamaganda ka na ngayon Natsuki! Lugar lugar mo yang ganda mo ha! Hindi bagay sayo mag-inarte!"

"E kesa naman sa feeling dyosa lagi!"

'Aba't sumasagot na sa human being itong si Natsuki!'

"E kung huwag ka na kayang sumama?!" inis na singhal ko. "Pasalamat ka i-jo-join kita sa lakwatsa ng mga human being! Tsk!'

"Katol pa Ayumi!"

"Tanga! Droga ang tinitira ko!"

Pumasok kami sa sasakyan na dinala ko. Ipagmamaneho sana kami ni Cloud ng maalala kong ngayon ko bibilhin ang regalo ko sa kanya. Kaya kung ano anong dahilan pa ang sinabi ko.

MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon