DEANNA'S POV
Palakad lakad ako sa salas habang inaantay ang balita sa aking anak at mga apo na kasalukuyang nasa gitna ng engkwentro.
"Mom! Maupo kayo and relax." mahinahon na utos sakin ng aking panganay na anak.
"Paano akong marerelax?"
"Mahal ayos lang sila. Hindi basta basta ang Rolex." Pag-aalo sakin ng aking esposo.
Humugot ako ng malalim na hininga. Maya maya lang pumasok si Redfox mula sa labas. Ito ang tagabalita ng mga nangyayari sa engkwentro.
"Your majesty safe ho si Lambert at ang mga bata. Maging ang mga guro at estudyante sa paaralan." nakayukong saad nito.
Nanghihina ang tuhod na napaupo ako sa sofa. "Thank God! Thank God." mahinang usal ko. "Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa anak mo, Lionel."
"Alam ko mahal. Ako man ay nag-aalala pero may tiwala ako sa mga batang Rolex. Hindi nila pababayaan ang anak natin." reassurance ng aking asawa.
"Malapit na ho sila your majesty. May daplis lang ho ng bala si Lambert at Aqua pero okay naman ho sila. Ihahanda ko lang ho ang mga panlinis ng sugat." saad ni Redfox.
"Salamat hijo." nakangiting saad ko.
"Wala pong anoman." yumukod it bago nagtungo para kunin ang pangunang lunas.
"Iuwi kaya natin sa Einzberg buong pamilya, Lionel?"
"Mahal kung ako ang tatanungin mas okay iyon. Pero, gugustuhin ba ng anak mong si Lambert doon manirahan?"
Umiling ako dahil dati pa man ay hindi na gusto ni Lambert doon. Mas gusto niya ang buhay na malayo sa mga yumuyukod sa kanya. Simpleng buhay lang ang gusto nito.
"Tea for everyone." nakangiting alok ni Bettina. "Para hindi naman po maiba ang mood ng atmospera may sorpresa po ako. Wait lang po, ah." Bumalik ito sa kusina. Pagbalik nito may dala na itong cake.
Kumunot ang noo naming lahat.
"Honey?" si Lance.
"This is my surprise for you. Gusto kong sisirin mo ang gitna ng cake." saad nito.
"Sisirin talaga?" nakangising tanong mg anak ko.
Nagkatinginan kami ni Lionel. Nagkibit balikat ito. Medyo natawa naman kaming lahat na nandoon.
"Tama ba ang tagalog ko sa dive?"
"Yes honey, tama."
"Oh, e kung ganon sisid na honey. Gamit yang labi mo ha. Bawal madaya."
Natawa kaming muli. Iba ang trip ni Bettina sa buhay. Kakaiba ang batang ito na siya namang gustung gusto ko.
"Bibig talaga?"
"Yes! Dali na!"
Walang nagawa si Lance kundi kainin ang gitnang bahagi ng cake. Ilang minuto kaming naghintay hanggang sa tumambad samin ang puting bagay.
"Ano to?" tanong ni Lance. Nang titigan nito mabuti iyon.."Ma..ma..magiging tatay na ako?"
"Yes!!!!!"
"GODDDDDD! HONEY I LOVE YOU!" Malakas na hiyaw nito. "Mom!Dad! Magiging tatay na ako!!!! YUHOOO!!!!"
Kinarga nito si Bettina. Maluha luha ang aking panganay na anak.
BINABASA MO ANG
MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)
General FictionDearest Sofia, Every day I wish you were here with me, holding you tight. Being with you makes me happy. You are my reason for waking up in the morning and for drifting off to sleep at night. Mi amor, I love you so much that I cannot fathom what w...