BEWARE: MATURED SCENES
Read at your own risk.
Maraming salamat sa pagtangkilik ng aking kauna-unahang istorya sa watty.
Huling chapter bago ang epilogo. ^-^
ASTRID'S POV
Alas kwatro ng hapon ng dalhin ako sa salon ng palasyo. Inayusan ako ng baklang si Nicholas.
"Beautiful." saad nito.
"I am always beautiful."
"I am talking about your eyes." nakairap na saad nito.
'Banatan ko kaya ang hayop na to!'
"Punyemas! Untog kita dyan eh!" mahinang bulong ko.
"What? Please milady, speak in english. I don't understand your language."
"Oh? I'm sorry Nicholas. I said I want some eggplant. Thick and long." nakangiwing saad ko.
'Shet! Bakit iba ang pumasok sa isip ko?'
Diniretso nito ang ulo ko. Kinukulot niya ang buhok ko gamit ang roller. Sinabi ko na agad sa kanya na huwag gumamit ng kahit anong chemicals sa buhok ko dahil na rin sa pagbubuntis ko.
"Are you hungry, milady?"
"Yes errr no."
'WTF?'
"Oh, can't decide?"
"I am not hungry."
"If you say so."
Pumayag ako sa foot spa pero hindi sa hand spa dahil maamoy ko ang mga kemikal na gagamitin nila. Sensitive ang pang-amoy ko sa mga bagay bagay. Kahit sa kilikili nitong nagkukulot sakin kanina ko pa gustong masuka.
'Badtrip! Ang baho! Bilhan ko nga ng deodorant ang isang 'to!'
Halos makatulog na naman ako sa pagmamasahe sa paa ko. Nagigising lang ako kapag nakakaramdam ako ng kiliti sa talampakan. Muntikan ko pang masipa si ateng.
"Pretty hair." saad ni Nicholas.
Nakahinga ako ng maluwag ng mawala ito sa tabi ko. Grabe kailangan ko sumagap ng sariwang hangin. Matapos ang buhok. Ang isang alalay nito ang naglagay sakin ng make-up.
"Light please." sabi ko.
Tumango lang ito. Sana nga naintindihan niya ang sinabi ko. Ngudngod ko ang feslak niya kapag makapal ang nilagay niya. Maghihilamos talaga ako ng mukha.
Lumipas ang halos trenta minutos bago ito natapos sa mukha ko. Nasiyahan naman ako sa ginawa niyang pagpapaganda sakin.
Maya maya lamang ay pumasok muli si Nicholas. May dala itong puting dress na parang pang-abay ang itsura. Charot!
White Long Sleeve Lace Maxi Dress! Elegant lace forms a mock neck, long sleeves, and a darted bodice atop a fitted waist, and cascading, chiffon maxi skirt (with side slit). Hidden back zipper/clasp.
'Saan ang binyagan?'
May kasama iyong puting satin ankle strap na sandals with one inch heel.
"Get her dress." utos nito sa mga tauhan nito. Basta nalang ako binitbit sa braso ng mga tauhan nitong babae. Makabitbit akala mo naman isa akong kriminal.
Pagdating sa dressing room pinaupo nila ako sa upuan. Huhubarin na sana nila ang damit ko ng pigilan ko sila.
"I can dress myself. I am not a kid. Let me do it." saad ko sa babae.
BINABASA MO ANG
MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)
Ficción GeneralDearest Sofia, Every day I wish you were here with me, holding you tight. Being with you makes me happy. You are my reason for waking up in the morning and for drifting off to sleep at night. Mi amor, I love you so much that I cannot fathom what w...