ASTRID'S POV
Ilang saglit lang nag-landing ang chopper sa Calayan Airport. Pinatay ni Peter ang engine. Humugot ako ng malalim na hininga ng maamoy ang hangin ng probinsya.
Fresh air.
Fresh air
Fresh air.
Sariwang hangin.
"Peter, did you book accommodation for us?" tanong ni Lambert habang naglalakad kami.
"Yes! It was a decent house." dinig kong sagot nito.
'Sino kaya nag-empake ng mga damit ko? May maleta silang dala. Hindi na ba kami uuwi? Dami ata nilang bitbit?'
Kinuha ko ang cellphone ko para i-text si Natsuki na nandito na kami. Mahina ang signal sa lugar, minsan nawawala wala. Naka-ilang beses akong nag-try para ma-send ang message na iyon.
To: Poodle #1
We just landed in Calayan Airport.
Saan tayo magkikita?
[Message sent]
Binulsa ko ang cellphone. Nauunang maglakad si Lambert kasabay si Peter. Halatang galit ang damuho dahil sa sagutan namin kanina.
"Miss Astrid, may LQ kayo ni boss?" tanong ni Silver.
"Ahhh konting away lang. Matigas bunbunan eh."
"Ah."
Nainis ako kay Lambert. Ang ungentleman niya. "Sama ng ugali!" mahinang bulong ko sa sarili.
"Sino masama ugali?"
Napalingon ako kay Silver. Narinig niya pala ang sinabi ko. Sobrang hina na nga niyon. Mga ninja talaga ang mga ito. Hihilig sa mga tsismis.
"Ah, e di sino pa ba? Lambert! Sus! Mauna una? Hindi marunong mag-antay? Excited ang lolo mo. Kaloka! Siya ba ang kaibigan?"
Natawa lang si Silver.
"Pero, bilib ako kay boss, kahit madaming gawa sa opisina at yung bagong negosyong tinatayo nila ng mga kaibigan niya, nagagawa ka pa rin na maging priority niya."
Natahimik ako bigla. Lakas maka-guilty ni Silver sa sinabi niya. Nakakaramdam ako ng awa minsan sa asawa ko sa dami ng responsibilidad niya. Mayaman ka nga, nabibili mo lahat ng gusto mo, pero ang mundo niya umiikot sa negosyo. Kung hindi pa ako dumating sa buhay niya baka tumanda nalang siya mag-isa sa buhay.
'Wow Astrid! Level up na naman ang kayabangan mo! Hahaha!'
Palabas na kami ng airport. May nag-aabang na kuliglig samin. Napansin kong napasimangot si Dams. Hindi niya siguro inaasahan iyon. Gusto kong matawa sa itsura niya.
Tumikhim ako. "Anong negosyo ang pinagkakaabalahan ni Lambert?" mahinang tanong ko kay Silver.
"Di ba niya sinabi sayo?"
"Magtatanong ba ako kung oo?"
'Bobo ni Silver.'
Ito ang umalalay sakin paakyat ng kuliglig. Wala talaga akong napala kay Lambert. Humanda siya sakin kapag sinabi ko na sa kanyang bumalik ang alaala ko.
'Badtrip ampowta!'
Nang makasakay si Silver saka lang nito sinagot ang tinanong ko "Accounting firm ang negosyo nila. Kasosyo niya sila Mr. Aragon." mahinang saad nito.
BINABASA MO ANG
MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)
Fiksi UmumDearest Sofia, Every day I wish you were here with me, holding you tight. Being with you makes me happy. You are my reason for waking up in the morning and for drifting off to sleep at night. Mi amor, I love you so much that I cannot fathom what w...