Chapter 9

111 8 0
                                    

 ASTRID'S POV

☆MONDAY☆

Pinatawag ang mga kasama sa exchange student program umagang umaga.

"Tahimik yata si Jonathan nitong mga nakaraang araw mare." bulong ni Chiaki.

Hindi ko naman naiwasan na sulyapan ng bahagya si Nathan. Tumatawa ito kasama ang bestfriend na si Ryosuke.

"Sinapian siguro ng kabaitan." mahinang bulong ko.

Matangkad ang lalaki, maputi ang kulay ng balat na bumagay sa itim at medyo wavy na buhok niya. Half breed ang lalaki kaya may accent magsalita ito. Maganda ang brown na kulay ng mata niya, matangos ang ilong at mamula mula ang pisngi. Manipis ang labi niya na natural ang pagkapula non. Sa madaling salita gwapo ang lalaki.

'Kailan ko pa siya napagmasdan?'

Palagi itong pinagkakaguluhan ng mga babae sa tuwing dadaan sa hallway. Malakas ng dating niya pero walang sinabi ang itsura ng asawa ko.

'Mas gwapo si Cloud!'

"Chiaki bagay kayo ni Jonathan." tukso ko sa kaibigan ko.

"ANO?!!!" malakas na sabi niya.

Natakpan ko agad ang bibig niyang OA kung makapagreact. Napatingin tuloy ang mga kasabay namin na naglalakad.

"Gomenasai." (I'm sorry) sabi ko ng pauliy ulit habang yumuyuko sa kanila. "Ano ka ba Chiaki! Ang ingay mo!"

Pinalo niya ang kamay ko. Inalis ko naman iyon saka pinunas sa damit niya ang laway na kumapit sa palad ko.

"Papatayin mo ba ako?!" singhal niya habang hinihingal.

"Oy! Huwag kang OA!" asik ko sa kanya. Pang-best actress ang pag-iinarte nito sa katawan. "Sinigurado kong nakakahinga ka." dagdag ko pa.

Hinampas niya lang naman ako sa braso.

"Jonathan is not my type. I like someone that is challenging to me. Yung ako ang maghahabol."

"Masokista?"

"Hindi, maganda lang!"

"Sira!"

"Baliw!"

Nagkatinginan kami. "Hahahaha!" Kaya napatingin samin ang iba sa malakas na tawanan namin.

"Hi Ayumi." bati sakin ng mga taga-medical building. "Ang ganda mo talaga." Napangiwi ako. Sinabayan pa talaga kami maglakad ng lalaking epal. 'Tibay!' "Para nga pala sayo." iniumang niya ang isang pulang rosas.

"Salamat, tsupi!" senyas ni Chiaki. Siya ang kumuha ng bulaklak.

Napangiwi ang lalaki. Gusto ko naman matawa sa inasal niya. Balahura din minsan ang babaeng to eh.

"Girl bakit sayo may nagaabot ng bulaklak? Bakit sakin wala?! Pangit ba ako? Kapalit palit ba ako?"

Napangiwi ako dahil sa linya niyang galing sa palabas. 'Ang arte talaga ng babaeng to!'

"Gaga! Paano ka ipagpapalit wala ka naman boyfriend."

"Your hurting my feelings! Antayin ko nalang ang anak mong si Augustus mare para siya nalang pakasalan ko."

"Tsk! Ano ka pedo?"

"Hell no!" She flipped her short hair.

'Feelingera talaga!'

MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon