Chapter 60

151 4 0
                                    

FINAL CHAPTER

ASTRID'S POV

Isang linggo matapos mag-propose ni Lambert idinaos ang birthday party ng mga bata sa resort. Kumpleto rekados iyon dahil nandoon si Jollibee na paborito nila Gus at Mira.

Hindi rin kami nagtagal sa Quezon dahil gusto ni Lambert na lumipad kami papuntang Einzberg para maipakilala daw niya ako bilang legal na asawa niya sa mga mamamayan ng bansang iyon.

"Nanay ganda po doon sa Winksberg." saad ni Mira.

'Winksberg? Kailan pa naging kindat ang lugar na yon?'

"Mira Einzberg." pagtatama ni Gus.

"They sound kind of the same to me." nakatingala na saad ng kapatid habang ang hintuturo nasa ilalim ng baba nito.

"Tch! They're not."

"Blehhhhhhh!"

Inirapan lang ito ni Gus bago bumalik sa binabasa nitong picture book about airplanes. Seryoso ata ang anak kong maging piloto ng eroplano. Minsan kausap nito si Silver o kaya si Peter.

"Alam mo po nanay sobrang laki po ng bahay nila lolo at lola sa Winksberg. Para po siyang tahanan ng princess po katulad ng napapanood ko sa television."

"You called it palace, Mira." singit ni Gus. "It is where the prince, princess lived."

"I know that prince and princess lived there, but lolo and lola is already old to be called prince and princess." inosenteng sabi ni Mira.

"Nanay, bakit po ganyan ang brain ni Mira? Ang hilig po kasi niya manood lang ng mga cartoons."

'Iba lang ang utak mo sa kanya Gus. Nagkulang sa bitamina si Mira. Lahat kasi napunta sayo.'

"Kasi anak noong nasa sinapupunan kita. Sinalo mo lahat ng nutrients, konti lang tuloy ang napunta kay Mira."

"Pwede po ba yon nay?"

'Aba'y hindi ko rin alam! Hahaha!'

"Tanungin natin si Aqua." saad ko.

"Uncle Aqua, can twins have different IQ level?" tanong ni Gus.

'Bakit matanda na mag-isip at kumilos ang 6 years old na anak ko?'

"If you and Mira are identical twins you will have the same IQ because you share the same DNA. But, if you are fraternal twins then genes do play a big role in IQ. Don't forget that environment also plays a big part." paliwanag ni Aqua.

Tatango tango naman si Gus na para bang naiintindihan nito. Basta ang alam ko kambal silang dalawa.

"Gus anak, importante pa ba na malaman mo yan? Di ba kahit naman slow si Mira love mo pa rin siya bilang kapatid mo?"

"Opo nanay, love ko naman si Mira. Masakit lang po minsan sa ulo ang pagiging slow niya." walang alinlangan na sagot ni Gus.

"I am not slow. Pabilisan pa tayo maglakad Gus!" singit ni Mira.

Nagkatinginan lang kami ni Lambert. Napailing lang ito. Samantalang ang lolo at lola nito ang lakas ng tawa sa likuran. Nasapo ko naman ang noo ko dahil sa ideya na pumasok sa utak ni Mira.

"Ang galing po talaga ni Mira nay." saad ni Gus.

"Of course! Pinainom kaya ako ng vitamins ni lola Alicia, di ba lola?"

Tumayo ito sa upuan saka sinilip si nanay na kanina pa tumatawa ng mahina.

"Yes apo."

Napangiwi ako.

MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon