Chapter 55

122 2 0
                                    

LAMBERT'S POV

Sa tahanan ng mga San Agustin ako umuuwi matapos makalabas ng ospital ni Astrid. Pagpasok ko sa kwarto namin ni Astrid nag-eexercise na ito para sa hip fracture niya. Nasa pinakahuli na to ng routine niya. Wala na din itong suot na brace. May mga galos pa ito pero hindi na iyon halata.

"Magpapagupit sana ako ng buhok, baka pwede mo akong samahan?" tanong niya sakin ng maupo ito. "Sayang ang shampoo at conditioner." dagdag niya.

Natawa ako ng bahagya.

"Kahit anong gupit bagay sayo basta wag lang yung mukha kang Dora." Inalalayan ko siyang tumayo dahil medyo hirap pa ito sa pagtayo. "Anong oras mo balak pumunta sa salon?" tanong ko sa kanya.

"Mamayang hapon siguro."

Tumango ako sa kanya. Nauna itong maglakad palabas ng kwarto. Mabuti nalang nagsimula na ang bakasyon ng mga estudyante kaya nakakapahinga siya. Si Chiaki naman bumalik ng Japan para makasama ang mga magulang nito sa okasyon. Sila daddy naman umuwi ng Einzberg kasama si mommy, mga bata at si abuela.

Matatapos na ang bahay na pinapagawa ko sa village para kung sakaling bumalik sakin si Astrid nakahanda na iyon para makapagsimula kami bilang isang pamilya. Salitan sa duty ang rolex sa pagbabantay sa tahanan ng San Agustin.

"Babe mag-date nalang tayo habang wala ang mga bata."

"Sure."

Nanlaki ang mata ko sa pagpayag niya. Ngumiti ako ng malawak sa kanya kahit di naman siya nakatingin sakin. Nakatutok ang mata nito sa cellphone niya.

"Saan mo gusto pumunta?"

Doon lang siya nag-angat ng paningin sakin. "Ikaw kung saan mo gusto pumunta."

"Sigurado ka?" nakangising sabi ko.

"Yang kamanyakan mo Lambert. Iwas iwasan mo nga!" naka-angil agad na sabi niya.

"Tch! Sa Baguio babe. Di ba sabi ko sayo gusto kong bumalik don."

"Bakit nga pala doon? Ayaw mo ng ibang lugar naman?" tanong nito sakin.

"I like to see your careless whisper dance." natatawang sabi ko.

Binato niya ako ng throw pillow sa mukha. Nasalo ko iyon habang tumatawa ng malakas.

"Babe."

"Manahimik ka kung ayaw mong hindi matuloy yang balak mong Baguio!" inis na sabi nito.

Napasimangot ako. "Bukas tayo aalis. Wala ng bawian yan."

"Oo na."

Naupo ako sa tabi niya. Nilagay ko ang throw pillow sa kandungan niya saka ako nahiga. Tinaasan niya ako ng kilay pero hindi naman niya inalis ang ulo ko doon.

'Ganito dapat araw araw!'

Sumandal ito sa sofa. Madaling mangalay ang likod nito simula ng magkaroon siya ng fracture. Binuksan niya ang tv saka pinatay ulit.

"May kuto ka ba?" tanong nito saka binulatlat ang buhok ko.

"What the fvck!"

"Naiinip ako." mahinang usal niya.

Kinuha ulit nito ang cellphone niya saka may dinayal na number. Niloud-speaker nito iyon. "Hey Chiaki! Uwian mo ako ng polar bear."

"Sure! Ilan ang gusto mo?"

MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon