Chapter 26

119 2 0
                                    

Note: Mahaba po ang chapter na 'to.

LAMBERT'S POV

Ito na siguro ang pagkakataon para tapusin ko ang relasyon ko kay Miranda. Masasaktan siya alam ko yun pero mas masasaktan siya kung hindi ko na kayang punan ang pagiging nobyo niya.

"Sweetie, kanina ko pa napapansin na tahimik ka simula ng makaalis tayo sa restaurant. Bakit hindi pa tayo umaalis dito sa parking lot?" nagtatakang tanong nito sakin. "Do you have something to say?"

Tahimik na binuksan ko ang makina ng sasakyan. Pinaandar ko iyon para lang makarating sa isang parke malapit sa mall. Doon ko lang siya nilingon.

"Let's go for a walk." anyaya ko sa kanya.

"Yay! Bumabawi ka sakin ha." nakangising sabi nito.

Pagbaba sa sasakyan agad niyang pinulupot ang kamay sa mga braso ko. Mabagal kaming naglalakad. Ang tangi mong maririnig ay ang tunog ng sapatos na suot nito. Nakarating kami sa isang lugar kung saan may mga tanim na rosas. Nagpasya akong igiya siya para makaupo. Tumingin ako sa kanya ng matiim.

Nawala ang ngiti sa mukha niya. "Why did we came here?"

"I'm sorry Miranda."

"Why are you saying sorry?"

"We can't be together anymore."

"What are you saying, Lambert? Makikipaghiwalay ka sakin? Kaya ba tayo nagpunta dito?"

"I'm sorry."

"Dahil ba kay Astrid? Kaya din ba wala kang panahon sakin dahil sa kanya?"

Tumango ako.

"Si Astrid na naman pala." may pait na sabi niya. "Bakit ba lahat nalang ng nagugustuhan ko, minamahal ko inaagaw ng babaeng yon?" nagsimulang tumulo ang luha niya."Ano bang meron sa kanya na wala ako?"

"Magkaiba kayo ni Astrid. Ni minsan hindi ko kayo pinagkumpara dahil magkaibang magkaiba kayo, Miranda. When I started loving Astrid, I see my future with her."

"Sa akin hindi ganon ba?"

"Hindi ganon Miranda."

"Ganon na din yun Lambert!" nagtaas na siya ng boses. "Bumalik lang siya nabaliw ka na naman! Bakit ano bang nakakabaliw sa babaeng yon? Ni hindi ko makitang maganda siya!"

"Ang pagiging ordinaryo niya ang minahal ko sa kanya! Sabihin na natin hindi nga siya kasingganda mo Miranda pero bawing bawi siya pagdating sa ugali. Nagmumura siya oo, pero malambot ang puso niya sa ibang tao. Uunahin ang kapakanan ng iba bago sarili niya. Yun ang wala sayo Miranda. Palagi mong iniisip ang sarili mo, palaging iniisip ang sasabihin ng iba sayo. Ni minsan ba tinanong mo ang sarili mo kung masaya ka ba talaga sakin? Sa tingin ko ginusto mo lang ako dahil sa itsura ko, sa titulong meron ako, pero ni minsan hindi ko naramdaman na minahal mo ang totoong Lambert."

Natahimik siya sa sinabi ko dahil iyon naman talaga ang totoo. Nagiging masaya siya sa atensyon na nakukuha niya kasi isang Prinsipe ang nobyo niya. Pinunasan nito ang luha sa mga mata nito.

"Hindi ako papayag na maghiwalay tayo! Hindi mo pwedeng gawin sakin ito. Baka nakakalimutan mo Lambert natulungan kitang makabangon ng mawala ang Astrid na yon. Naging sandalan mo ako kapag naalala mo siya at gusto mong ilabas ang galit mo mo sa mundo."

"Sinusumbat mo na ba sakin ngayon yan?"

"Oo! Gusto kong isumbat sayo yan dahil ginamit mo lang ako! Ngayon na bumalik siya para akong basura na itatapon mo nalang? Nasaan ang puso mo Lambert?!" mariin na turo niya sa tapat ng puso ko.

MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon