CLOUD'S POV
Hinahatid at sinusundo ko ang mga bata sa eskwelahan katulad ng nakasanayan kong gawin.
'Sila ang pag-asa ko para manatili sa buhay ko si Ayumi.'
Simula ng makilala ko ang RichRoss kinutuban na ako na may kinalaman ito sa buhay ni Astrid. Tanga nalang ang hindi makakapagsabi na ito ang ama ng kambal na anak namin ni Ayumi.
'Kapag nagising ba ang asawa ko may maging lugar pa ba ako sa buhay niya?'
Bakit ba ako natatakot? Babae lang yan. Sana'y naman akong wala sila noon sa buhay ko. Masanay pa nga kaya ako?
Sabi ko makikipagpatayan ako kapag may umagaw sa asawa ko.
'Damn this life!'
Nahampas ko ang manibela sa sobrang gulo ng isip ko. Kung may dapat sisihin sa pagkaka-comatose ni Ayumi. Ako lang yun. Ako lang. Ngayon lang ako pumalya bilang isang doktor. Ang masakit sa taong mahal ko pa.
Inayos ko ang sarili para harapin muli si Ayumi. Ilang araw na ba akong hindi makatulog kakaisip sa kanya? Isang linggo? Nakakatawa dahil sobrang na-gi-guilty ako sa ginawa ko.
Pagdating sa kwarto niya walang nagbabantay sa kanya. Maganda nga iyon para magkaroon kami ng sariling oras. Lumapit ako sa gilid ng kama.
Masuyo kong kinuha ang kamay niya. "Hi sweetie, how are you today? N-namimiss ka na namin ng mga bata." sa kauna unahang pagkakataon pumatak ang luha ko. "I'm sorry Ayumi. I'm sorry for doing that stupid thing. Gusto lang kita tulungan kumalma non dahil ayokong nakikitang umiiyak ka at nahihirapan. Pero, nawala sa isip ko na mali pala iyon."
Marami akong kasalanan sayo Ayumi. Mali na tinago kita sa pamilya mo. Mali na naging makasarili ako dahil lang sa kamukha ka ng yumao kong asawa. Naging madamot ako para ibahagi ka sa mga mahal mo sa buhay.
"Sweetie nawalan na ako minsan. Ayoko na ulit mawalan dahil masakit at nakakadurog ng puso."
Para bang nakikita ko ang sarili ko noon ng mawala sakin si Ayumi dahil sa sakit na cancer.
[FLASHBACK]
"M-mahal ..." nanghihina at halos pabulong na sabi niya pero nakangiti pa rin sakin ang asawa ko.
Kinuha ko ang kamay niya. Pinilit kong ngumiti kahit sobrang hirap. Humugot ako ng malalim na hininga para pigilan ang mga luha ko.
Ngumiti ako sa asawa ko. "Nandito lang ako mahal. Hindi kita iiwan."
"A-alam ko yun ..." muli siyang ngumiti sakin. "Pa ... patawarin mo ako ha mahal ... kung mauuna ako sayo."
"Mahal di ba nangako ka sakin na walang iwanan?" Ang luhang kanina ko pa pinipigilan nagkusang dumaloy sa pisngi ko.
Kahit nanghihina pinagpag niya ang kama niya para doon ako paupuin. Natatakot ako na masagi siya kasi alam ko na bawat hawak sa kanya nasasaktan siya. Madikitan lang ang balat niya alam kong nanunuot ang sakit sa bawat kalamnan niya.
"D-don't ..." humugot na naman siya ng malalim na hininga. "D ... don't cry mahal. Malulungkot ako niyan kapag nasa heaven na ako."
Paano ba niya nasasabi yan sakin? Mas bumalong ang luha ko sa sinabi niya. Handa na siyang iwan ako. Pero, ako? Kailan ba ako magiging handa? Nang mahalin ko siya alam kong balang araw iiwanan niya din ako, pero hindi ko naman sinabi na madaliin niya.
BINABASA MO ANG
MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)
General FictionDearest Sofia, Every day I wish you were here with me, holding you tight. Being with you makes me happy. You are my reason for waking up in the morning and for drifting off to sleep at night. Mi amor, I love you so much that I cannot fathom what w...