Chapter 59

145 4 0
                                    

ASTRID'S POV

Mabilis lumipas ang araw. Kahit sinabi ko kay Lambert na hindi niya na kailangan manligaw. Patuloy pa rin ito sa pagpapadala ng mga bulaklak araw araw. Napupuno ang kwarto ko ng kulay puting rosas na akala mo may lamay.

'Bwiset!'

"Onesan anong oras ang kasal ni Arthur di ba?" tanong ni Aaron.

Nasa salas kaming lahat habang nanginginain ng mangga na may sawsawan na ginisang alamang bagoong.

"5 PM."

"Kung ganon sabay sabay na tayo mamaya para isang sasakyan nalang." suhestyon nito.

"Isasabay kami ni Lambert. Flower girl si Mirangge."

"Sister-in-law di kaya magkalat si Mira mamaya?" natatawang saad ni Shyla.

"E di mas exciting di ba?" nakangising saad ko sa kanila. "Si Gus sana ang ring bearer pero tumanggi." dagdag ko.

"Hindi na ako magtataka. May sariling mundo ang batang iyon, anak." singit ni nanay na naglapag ng bagong hiwa ng mga mangga.

Nitong mga huling araw hinahanap ko ang mangga. Minsan naman mga kakaibang pagkain ang gusto kong kainin. Siguro bumabawi lang ang katawan ko sa mga ganap na ospital.

"Ang takaw mo ate."

"Prutas naman 'to noh, kaya di ako tataba ng husto."

"Ang sobra bawal din."

"Dami alam! Oh, ayan kainin mo." saad ko sa kanya na sinubo ang isang piraso ng pisngi ng mangga.

Napasipol ito. "Sobrang asim naman nito. Tao ka pa ba?"

"Maasim ba Shyla?" tanong ko.

"Yep! But, the paste is helping to alleviate the sourness." Maarteng paliwanag nito habang maarteng paunti unting kumakagat sa mangga.

"Sarap nga eh." saad ko pa.

"Sofia anak huwag puro mangga ang kainin mo. Mamaya niyan di ka na makakain ng tanghalian." paalala ni nanay.

"Opo nay."

"Malapit na din birthday ng mga anak mo ate. Alam ko planado na nila tita Deanna ang selebrasyon." saad ni Aaron.

"Oo, private resort nila gaganapin."

Tatango tango lang sila. Hindi maipinta ang mukha nila dahil sa patuloy na pagkain ko ng mangga.

"Ano regalo mo kay Arthur?" tanong ni Shyla.

"Journal at PJ's."

Kumunot ang noo nilang dalawa. Iniisip siguro nila sobrang kuripot ko. Hindi naman sa nagtitipid pero parang ganon na nga ang nangyari.

"Bakit journal at Pajama?" si Shyla.

"Ang alam ko mahilig magsulat ng mga events na nangyayari sa buhay nila si Louise. Pajama kasi ang cute kaya at on sale." natatawang sabi ko. Parehas silang tulala sa sinabi ko. "And, both of them are from prestigious families. They don't need expensive stuff."

"You're totally right." si Aaron.

"Of course not left."

"Tch!"

Nabitin ang pagsubo ko ng mangga. Napaangat ang mukha at nakita si Lambert kasama ang mga bata. Kasunod nito si Pink at Khaki na pawang may mga bitbit na kahon.

MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon