ASTRID'S POV
Hindi muna namin pinapasok ang mga bata sa eskwelahan para ma-monitor ni Cloud ang kalagayan ni Gus.
"HOY!"
"Oh, Hoy!" panggagaya ko kay Natsuki ng magulat ako sa pagtawag niya. Halos mabitawan ko ang gunting na hawak ko.
"Ateng! Tulaley ka na naman? Napapadalas na yan ha."
Sa bawat pagputol ko ng tangkay ng rosas lumipad na naman ang isip ko sa nangyari kagabi. Para ko na din kasing inamin kay head director na ako nga si Astrid.
Napabuntong-hininga ako.
"Girl tulala ka ulit." si Natsuki.
Nilingon ko siya."Nagkakatol kasi ako tuwing gabi." sarkastikong sagot ko.
"Psh!"
Sinamaan ko siya ng tingin dahil lahat ng ginugupit kong bulok na dahon ng halaman para sa table kinakalat pala niya.
"Isa pang kalat mo Natsuki!Pauuwiin kita sa Japan!" inis na sabi ko.
"Bored na kasi ako sa bahay! Maybe I should study in Empire University while we're here. Like a short course? What do you think?"
"Bahala ka."
"Galing mo magpayo! Nasaan ba si Chiaki ng makapag-bar na nga lang mamayang gabi! Maghahanap ng lalaki!"
"Tsk! Kung wala lang akong anak sasama ako sa inyo!"
"Pwede naman kung papayagan ka ng asawa mo." nakangising pang-iinggit niya sakin.
'Ihampas ko kaya sa kanya ang hawak kong vase! Nang-iinggit pa!'
"What time ang pasok niyo?"
"Huminto na ako." walang ganang sagot ko.
"Red flag bes?"
"Hindi blue flag."
"Whew! Dugong bughaw na pala ang regla ngayon." saad ng matabil na bibig ni Chiaki. "Gusto ko din non! Royal blood!" natatawang sabi niya habang hawak ang tasa ng tsaa.
Hindi ako natawa.
'Korni nila!'
"Kanina pa yan ganyan? Nakain niyan?" tanong ni Natsuki.
"Hakdog siguro! Lantang hakdog!" baliw na sagot niya saka sinabayan ng tawa. "Hahahaha!"
"Oh ayan hakdog!" sinubo ko kay Chiaki ang tangkay ng halaman.
Natawa ng malakas si Natsuki na may kasamang pagpalakpak. "Hanep! Herbivore ka na pala ngayon Chiaki!"
"Tse! Mare naman ... your so mainitin ang ulo today ha." sabi niya. "I don't eat plants, I eat sunshine!"
'Ay! Hayop!'
Pasalamat siya hindi tangkay ng rosas ang pinakain ko sa kanya. Nawawala na naman siya sa sarili eh. Naglakad ito palapit sa mahabang sofa. Naupo siya doon habang hawak ang umuusok na tasa ng tsaa.
"Natsuki hindi naikwento sakin ni Cloud kung paano namatay ang magulang ko?"
Tumingin sakin si Chiaki ng matagal habang nakakunot ang noo nito. Gusto niyang magsalita pero pinili ang manahimik.
"Y-your parents died in a plane crash. I don't know the details. Maybe, Cloud can explain it better than I do."
"Ahh ... ganon ba?" tatango tangong sabi ko.
BINABASA MO ANG
MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)
Художественная прозаDearest Sofia, Every day I wish you were here with me, holding you tight. Being with you makes me happy. You are my reason for waking up in the morning and for drifting off to sleep at night. Mi amor, I love you so much that I cannot fathom what w...