LAMBERT'S POV
Tanghalian ng ipasundo ko sila Astrid at mga kaibigan nito para makisabay sa mga trabahador na kumain ng pananghalian.
"How's your sleep babe?" tanong ko kay Astrid.
"Bitin."
"Don't worry mamayang gabi hindi kita bibitinin." mahinang bulong ko.
Siniko ako nito sa tagiliran kaya medyo napaigik ako sa sakit. Natanaw namin si Mang Karding na paparating kasama ang mga trabahador na matagal ng naglilingkod sa hacienda.
"Amang ang tagal mong hindi nadalaw dito. Balita ko ay nandoon ka naglagi sa Europa." saad ni Mang Karding.
"Oho, medyo natagalan bumalik."
"Eto na ba ang mga anak mo? Ang ganda at gwapo nila." nakangiting saad nito. Halos wala ng ngipin ang matanda.
"Ojiisan how do you brush your teeth po?" inosenteng tanong ni Mira.
Nanlaki ang mata ko. Pigil naman ang tawa ng mga kasama ko. Si daddy napasipol nalang para hindi matawa.
'Tch!'
Tiningnan ko si Astrid, tinalikuran ako nito na parang sinasabi na wala siyang kasalanan bakit ganito kadaldal ang anak namin.
"Hmmmmm amoy pinya!" pag-iiba niya ng usapan. Huminga pa ito ng malalim.
"Of course nanay this place is pineapple plantation." sagot ni Gus.
"Jodan anak! Jodan!" sarkastikong sagot ni Astrid.
"Ahhh joke lang po ba yun nanay? I thought you're serious po." si Gus.
Tiningnan ko ng masama si Astrid. Pinandilatan lang ako nito ng mata. Inakbayan ko nalang siya.
"Tatay paano nga po bina--"
Sinubuan ng lollipop ni Astrid ang bibig ni Mira na hindi ko namalayan na nakalapit na samin.
"Mag-lollipop ka muna Mira. Ipahinga mo muna yang bibig mo anak."
"Hai!" sagot nito.
Napabuntong-hininga ako. Kahit ganito katalino ang mga anak ko nag-eenjoy akong kasama sila.
"Nanay gutom na po ako." saad ni Gus.
"Di ka magugutom anak, maraming pinya." saad ni Astrid na nakangiti pa sa lalaking anak.
"Tch! Kaya nagiging alien ang mga anak mo eh." napapailing na sabi ko.
"Mas alien ka." asik niya. "Anong gusto mong kainin Augustus?"
"Pineapple?" hindi maipinta ang mukha ni Liam.
"Yes baby! Tara na pumitas." anunsyo ni Astrid. Aalis sana ito ng pigilan ko sa balikat. "Bakit? Masama ba kumuha sa tanim ninyo?"
"Babe umayos ka."
"Nakaayos ako."
"Director pagpasensyahan mo na. Kulang lang sa *S* yan. Hahaha!" sabay tawa ni Chiaki.
'Tch!'
Sumimangot si Astrid.
"Amang Lionel handa na ang pananghalian." saad ni Mang Karding.
"Kung ganoon ay tara na sa kubo kumain." anyaya ni daddy. Inalalayan nito si mommy na nakabakya.
'Bakit nakabakya si mommy?'
BINABASA MO ANG
MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)
Ficção GeralDearest Sofia, Every day I wish you were here with me, holding you tight. Being with you makes me happy. You are my reason for waking up in the morning and for drifting off to sleep at night. Mi amor, I love you so much that I cannot fathom what w...