ASTRID'S POV
Nasa kwarto kami sa opisina ni Lambert. Binuhat ito ng mga barkada niya dahil nakatulog ito sa sobrang pagod sa paglalaro kanina.
Napangiti ako dahil tinupad niya ang sinabi niyang mananalo siya. Nababahala nga lang ang puso ko dahil may kung anong mainit na humahaplos sa buong pagkatao ko. Masaya pero may takot.
Umupo ako sa gilid ng kama at pinakatitigan ko siya. Sobrang amo ng mukha niya pero ang pakikitungo niya sakin sinlamig ng yelo. Ngayon parang gusto kong hilingin na sana bumalik ang alaala ko para malaman ko kung sino at ano siya sa buhay ko.
'Bwiset! Ano bang drama to! Nahahawa na ako sa mga napapanood ko!'
Tumingala ako sa kisame. Untog ko kaya ulo ko sa pader baka sakaling bumalik lahat lahat. Pero, sa isang banda nakakaramdam ako ng takot. Paano kapag bumalik ang alaala mo pero wala na pala akong babalikan?
'Hala! King ina! Masakit yon!'
"Babe..."
Napalingon ako sa kanya ng magsalita siya ng tulog. Malungkot iyon at parang hirap na hirap ang boses niya sa pagkakabanggit niya ng 'babe.'
Bigla akong nakaramdam ng selos at inggit. Siguro, masarap magmahal ang lalaking to? Yung tipong ikaw ang sentro ng buhay niya. Yung tipong ibibigay lahat lahat para mapasaya ka kahit walang matira sa kanya.
Umusod pa ako palapit sa ulunan ng kama para mas mapagmasdan ko pa ang mukha niya.
"Ang sarap sampalin ng mukha mo! Tsk! Charot lang." Hinaplos ko ang pisngi niya. "Whew! Ang kinis! Anong gamit mong sabon? Safeguard?"
"Tch!"
Nagmulat siya ng mata. 'Kanina pa ba siya gising? Nakakahiya!' Hinuli niya ang kamay kong nakahawak pa rin sa pisngi niya.
"A-ano ... M-may lamok! Gusto kong patayin kaya lang naawa ako. Aba! Insekto yan! May pakinabang sa environment."
Wala siyang reaksyon.
Binawi ko ang kamay ko pero hindi niya iyon pinakawalan. "Oh, sige sayo na yang kamay ko." inis na sabi ko ng ayaw talaga niyang pakawalan.
Wala pa rin siyang sinabi. Ni ngumiti hindi niya man lang ginawa. Halos kanina lang niluhuran pa niya ako. Aba! Sambang samba ang kagandahan ko. Tapos ngayon ganyan siya.
'Tostang gala!'
"Ayos ka naman na. Alis na ako."
Pumiksi ako at nakawala sa kanya. Tatayo na sana ako ng hiklatin niya ako sa bewang pabalik sa kanya. Naitukod ko ang kamay ko sa dibdib niya. 'Whew! Ang tigas nemen!' Ga-dangkal nalang ang layo ng mukha namin sa isa't isa na halos magdikit ang labi namin dahil sa pagkakabagsak ko sa kanya.
"Why are you here?" seryoso ang tono ng boses niya.
'Shet! Ang ganda ng mata niya.'
"Ang mesmerizing ng mata mo. Di bagay sayo magsungit. O siya aalis na ako." Mabilis akong umalis sa ibabaw niya pero hinatak niya ulit ako pabalik. Hindi na ako natuwa. "Woi harassment na to." angil ko.
"Why are you here?"
'Why are you here siya ng why are you here, wala bang I will be there?! Letse! Kanta yun!'
"Eh, nakatulog ka sa pagod kanina. Sabi ng mga friends mo ako na daw bahala sayo. Pero, don't cha worry hindi ako ang nagpalit ng damit mo. Si Mr. Santillan at Springkle."
BINABASA MO ANG
MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)
General FictionDearest Sofia, Every day I wish you were here with me, holding you tight. Being with you makes me happy. You are my reason for waking up in the morning and for drifting off to sleep at night. Mi amor, I love you so much that I cannot fathom what w...