ASTRID'S POV
Mabilis lumipas ang araw. Sinigurado kong babalik sa dati ang katawan ko. Tumuloy ako sa bahay nila nanay ng makalabas ako ng ospital.
Kapag lalabas ako ng bahay nakikita ko sa katapat ng bahay ang mukha ni Indigo, Cobalt, Maroon at Lime.
'Ginagawa mga hinayupak na yan? Kailan pa sila lumipat dyan?'
Pinabalik ko sa Pilipinas ang mga bata. Hindi ko kayang malayo sa kanila. Walang nagawa si Lambert kundi ang pumayag. Ang kasunduan namin ni Lambert sa mga bata, tuwing weekdays sa kanya at sakin tuwing weekends para daw di ako mahirapan. Lugi ako doon pero pumayag na din ako. Naiisip ko nalang na hindi nito nakasama ang mga anak sa loob ng limang taon.
Sa tuwing umaga nag-ja-jogging ako. Ang lahat ng hinahanda ni nanay puro masusustansya kaya naman dalawang linggo matapos akong makalabas ng ospital maganda na ulit ang pangangatawan ko.
Hindi ko nakita ang anino ni Cloud hanggang sa makalabas ako ng ospital kaya ngayong araw balak ko siyang dalawin. Sinubukan kong tawagan ang telepono niya pero palaging out of coverage iyon.
Nag-aalala ako kahit pa sabihin na hindi naman talaga siya ang totoong asawa ko. Kung tutuusin mas matagal ko siyang nakasama bilang nagpapanggap na asawa ko kaysa kay Lambert. Alam ko sa sarili kong naging masaya ako noong panahon na siya ang asawa ko.
"Oh, anak saan ka pupunta?" tanong ni nanay ng makita niyang nakagayak ako.
"Maglilibot lang po." pagsisinungaling ko. "Babalik din po ako bago maghapunan nay."
"O sige basta mag-iingat ka."
"Opo."
Lumabas ako ng bahay. Hiniram ko ang sasakyan ni Aaron. Minaniobra ko iyon paalis ng bahay. Pinasibad ko ang sasakyan papunta sa tahanan ni Cloud.
Mahigit isang oras ang biyahe mula sa subdivision nila nanay. Habang nasa daan may kaba akong nadarama. Hindi ko alam kung para saan iyon.
~RIIIIIINNNNGGGG~
Huminto ako sa isang gilid ng kalsada ng magring ang telepono ko.
"Napatawag ka?"
"Sabay tayo mag-lunch. Nandito ako sa RRC ngayon. Sunduin kita."
"Wala ka bang ibang maaya kundi ako Mr. RichRoss?"
Araw araw nagpapadala ito ng bulaklak. Araw araw binubuliglig ako nito na sabay kaming kumain. Minsan di ka na makakatanggi kasi nasa labas na siya ng bahay. Gusto ko ang ginagawa niya dahil asawa ko naman siya. Pero na-gi-guilty akong iwanan nalang basta si Cloud.
"Tch! Sige wag na nga!"
"Oo na! sige na! Bigay mo sakin ang address ng opisina mo!" iritableng sabi ko.
Naiinis ako baka mamaya si Rafaela pa ang ayain niya pagbuhulin ko pa sila eh. Nadinig ko ang mahinang pagtawa ni Lambert.
'Bwiset! Magkaroon ka ba naman ng asawang isip bata!'
Pinasibad ko ang sasakyan papunta sa RRC. Hindi ako nagsuot ng kinaugalian kong damit baka makahalata si Lambert. Kahit paano nasanay naman na din ako sa mga damit na mga pang-girly.
Pagdating sa opisina ni Lambert sumakay agad ko ng elevator. Mga nanlalaki ang mata ng mga empleyado ng makita ako. Siguro iniisip nila multo ako. Ngayon nalang ulit ako makakapasok muli sa RRC. Matagal na din kaming hindi nagkita ni Rafaela.
'Aba nasa lunch break yata si healing for everyone?'
Kakatok na sana ako ng may madinig akong boses na nagtatalo sa loob ng opisina. Dinikit ko ang tenga ko.
BINABASA MO ANG
MY BOSS IS A PRINCE (Season Two)
Ficción GeneralDearest Sofia, Every day I wish you were here with me, holding you tight. Being with you makes me happy. You are my reason for waking up in the morning and for drifting off to sleep at night. Mi amor, I love you so much that I cannot fathom what w...