CHAPTER 58

146K 3.6K 162
                                    

Montillo's Mansion:

"Nanay! tatay!" Masayang-masayang  si Kyrene at patakbong lumapit sa nanay niya, pagpasok niya ng bahay.

"Anak!" Nagyakap ang mga ito.

"Bella!" Yumakap din ito kay Bella na nand'on din pati kay bubwet.

"Si kuya kasama niyo po?" Excited na tanong nito.

"Syempre! Mawawala ba ako sa engrandeng debut ng kapatid ko." Biglang sumulpot ang kuya niya mula sa likod nila.

"Kuya!" Patakbong lumapit si Kyrene at patalon na yumakap sa kuya niya at pinulupot ang dalawang paa sa bewang nito.

"Pambihira Ky-Ky ang bigat mo. Ilang kilo ka na ba? Ang taba-taba mo na." Bumababa si Kyrene.

"Mataba ka d'yan, hindi naman eh."

"Grabe ang ganda mo na talaga ah." Ngumiti si Kyrene at yumakap uli sa kuya niya.

"Ako ba Kyrene hindi mo namiss?" Pababa naman si Donya Clara sa hagdan.

"Donya Clara! Kumusta po?" Nang makababa ang donya.

"Wala ba akong yakap." She spreads her both arms.

Lumapit naman si Kyrene dito at binigyan ng mahigpit na Yakap ang donya.

"Kumusta po kayo Donya Clara?"

"Hmm.. I think, you should call me lola from now on. Masayang -masaya ako na boyfriend mo na ang apo ko." Ngumiti lang si Kyrene dito.

"Diba my pangako ka sakin Kyrene? Nagawa mo ba?" Tanong ng Donya.

"Opo, nagawa ko po. May design na po ako, tatahiin nalang po yun, kailangan nalang po kayong sukatan." Masayang sabi ni Kyrene.

"Wait mama, ano yun?" Ms. Bettina asks. Halos lahat na confused.

"Kyrene had promised me na igagawa niya ako ng pang ballroom na gown."

"Mama! Are you serious?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mr. Henry. Nagtawanan ang lahat dito.

Dito ang mga magulang niya nag'stay nag offer naman ang parents ni Kyrene pero mas pinili nilang dito tumuloy dahil sa naiilang ito kay Donya Solidad.

***

Debut day:

Punong-puno ang venue ng mga bisita kung saan gaganapin ang debut. Sa isang hotel ito ginanap, lahat nakaupo sakanya-kanyang upuan. Pomelo pink and lavender ang them ng venue.

May malaking stage na may dalwang princess chair.

The girls are wearing their best cocktail dresses and gowns with the most appropriate make-up, accessories and shoes, while the boys wearing their suits.

Sila Kenneth ang magkakasama sa isang table, maging si Khielve nand'on din.

Sa kabilang table naman ang pamilya Montillo kasama ng mga magulang ni Kyrene. Nagsimulang magsalita ang emcee.

"Good evening ladies and gentlemen men. Tonight is an exceptional evening, because the Brizalde's heiresses celebrate their 18th birthday." Simula ng emcee. Natahimik ang paligid, nagbigay muna ng opening prayer ang emcee bago uli nagpatuloy para ipakilala ang débutants.

"Now let us all welcome our débutants with our warm of applause." Nagpalakpakan ang nga tao.

"The one of Brizalde's heiresses,  the beautiful Yasmine Brizalde."

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon