"Kyrene, kumusta?" Masiglang bati ni Inday sakanya habang binubuksan ang gate.
"Hi Ate Inday."
"Kamusta ka, bakit ngayon ka lang napasyal?"
"Busy lang po. Si Khielve po nandiyan?" Pumasok si Kyrene sa mansiyon.
"Oo, nasa kwarto. Malungkot yun ngayon. Nag away ba kayo?" Napabuntong hininga si Kyrene sa narinig.
Naisip niya na wala siyang kaalam-alam na may dinadamdam pala ito.
Nasabi sakanya ni Jelian kanina ang sinabi ni Khielve tungkol sa paguusap nito at ng lola niya. Hindi rin niya nakausap ito dahil sinundo agad siya ng bodyguard para umuwi.
"Hindi po, puntahan ko lang po?" Umakyat siya at dahan-dahang pinihit ang pinto.
Nakita niyang nakahiga si Khielve tulog ito pero may hawak-hawak na frame. Lumapit siya at umupo sa gilid ng kama.
Dahan-dahan niyang kinuha ang hawak nito at pinaharap para tignan, napangiti siya. Ito yung drawing niya na regalo niya n'ong birthday nito.
Pinagmasdan niya ito habang nakapikit, yumuko siya at hinalikan ito sa labi.
Dahan-dahan naman itong dumilat, nakatingin sakanya pero walang reaksyon, parang naalimpungatan. Yumuko uli siya at hinalikan uli sa labi.
"Kyrene" Kinurap-kurap nito ang mata at biglang bumangon.
"Kyrene" Bigla siya nitong niyakap. Natawa siya ng mahina at niyakap din niya ito.
"Akala ko nananaginip ako eh. Grabe namiss kita sobra." Napangiti si Kyrene, nakakaramdam siya ng saya at lungkot din.
Parang naawa siya kay Khielve na malungkot ito ng nagdaang araw na wala siyang kaalam-alam.
"Aaay!ahaha! Ano ba Khielve." Hiniga siya nito bigla at napunta siya sa kabilang side ng kama. Dinagan nito ang kalahating katawan sa sakanya at pinaka titigan siya.
"Namiss kita." Hinalikan siya nito sa labi ng mabilis na halik, tatlong sunod-sunod. Hinawakan ni Kyrene ang pisngi nito.
"Bakit wala kang sinasabi sakin?" Tanong niya.
"Huh?"
"Sinabi ni Jelian, kinausap ka ni lola. Bakit hindi mo sinabi?" lumungkot bigla ang mukha nito.
"Wala lang, ayaw ko rin na maapektuhan ka. Hindi naman ako papayag na layuan ka eh.""Pero malungkot ka." Ngumiti si Khielve.
"Not anymore, kasi nandito kana."
"Ahaha!" Natawa ng malakas si Kyrene ng yakapin siya nito at gumulong ito papunta sa kabila niya at yakapin siya ng mahigpit.
"Pasaway ka. Halika baba tayo, ipagluluto kita." Aya nito.
"Ayaw, dito nalang tayo." Siniksik nito ang mukha sa leeg niya.
"Khielve dali na, sa labas na tayo nakakahiya dito eh." Umangat ng higa si Khielve at tumingin sakanya.
"Dito nalang tayo please! Gusto kitang makasama ng matagal." Hinaplos pa nito ang pisngi niya. Ngumiti nalang siya dito.
"Mahal na mahal kita Kyrene, mangako ka na kahit anong mangyari hindi ka susuko ah. Kahit ano pa sabihin ng lola mo." Ngumiti si Kyrene.
"Hinding-hindi." Sagot niya. Tinitigan siya nitong mabuti. Huminga si Khielve ng malalim at marahang hinaplos ang pisngi ng mga daliri.