Umupo si Kyrene sa tabi ni Yasmine, tumabi sakanya si Kenneth si Tricia sa kabilang dulo ng table.
"Kala ko hindi na talaga kayo sasabay eh." Sabi Zion.
"Hindi talaga yan sasabay. Doon sana yan kakain sa ilalim ng puno." Sabi naman ni Tricia. Iwas na iwas naman ang tingin ni Kyrene kay Khielve at ganun din si Khielve.
"I didn't expect too see you here Kyrene. How could you afford to sudy here?" Nagtinginan lahat kay Yasmine.
"I mean,... I'm sorry Kyrene I didn't mean to offend you--
"Si Donya Clara, siya ang nag bigay sakin ng scholarship." Putol ni Kyrene sa sasabihin ni Yasmine.
"Oh I see! She's really good. And you're lucky."
"Oo" Simpleng sagot ni Kyrene.
"Sige na order na kayo ng food." Sabi ni Tricia.
"Ako na oorder, ano gusto niyo? Sayo Kyrene ano gusto mo?" Tanong ni Zion.
"Hindi na, may baon ako." Sagot niya.
"Sainyo?" Sinabi ng iba yung gusto nila.
"Sayo Kenneth?" Tanong ni Zion.
"Hindi na share kami ni Kyrene sa baon niya. Drinks nalang samin. " Sabi ni Kenneth, napatingin si Khielve sa sinabi ni Kenneth.
"Ang sweet naman." Sabi ni Yasmine at ngumiti.
"Labas mo na Kyrene ang baon mo, gutom na ako eh." Sabi ni Kenneth.
"Oo na! Hindi ka naman niyan excited ah?" Nilabas ni Kyrene ang baon niya. Bumili naman na sila Zion ng pagkain.
Dalawang tupper ware ang nilabas ni Kyrene, yung isa kanin ang laman, ang isa naman ulam.
Binuksan ni Kenneth ang tupper ware.
"Sandali kukuha lang ako ng plato." Tumayo si Kenneth para kumuha ng plato at bumalik din agad.
"Antayin mo muna sila Zion, para sabay-sabay tayong kumain." Sabi ni Kyrene. Mga ilang sandali lang dumating si Zion at Simon dala ang pagkain.
Nagsimula silang kumain lahat.
"Umm lalong sumarap luto mo Kyrene ah." Sabi ni Kenneth.
"ahahaha!" Natawa si Kyrene na medyo napalakas. Kaya Nagtinginan sakanya.
"Bakit may nakakatawa ba sa sinabi ko?" Tanong ni Kenneth.
"Kasi nagsisinungaling ka." Natatawa parin si Kyrene.
"Hindi ah! Totoo kaya."
"Tss.. eh yan din yung baon ko kahapon eh! Ininit ko lang, hindi ako nagluto. Ahaha! Bolero ka eh."
"Ganun ba ahaha! Pero totoo sumarap para sakin."
"Kahit panis ata ipakain sayo ni Kyrene sasabihin mong masarap eh." Sabi ni Simon.
Napatingin sila kay Khielve ng medyo napalakas nito ang pag lapag ng baso. Pero pinagpatuloy lang nito ang pagkain.
"Ano Kyrene, saan mas masarap kumain sa cafeteria o sa ilalim ng puno?" Tanong ni Tricia. Sinabi kasi ni Kyrene dito na dun sila kumakain ni Kenneth.
"Parehas lang." Sabi ni Kyrene na napangiti.
"Alam mo Kyrene nag aalala ako eh!" Sabi ni Kenneth.