CHAPTER 5

189K 4.5K 165
                                    

Habang busy si Khielve sa pagkuha ng mga larawan, si Kyrene naman busy sa pagkain ng kung ano-ano na nabibili sa daan, cotton candy, dirty ice cream at iba pang street foods.

"Hi, manila boy ka?" May babaeng lumapit kay Khielve habang kumukuha siya ng picture.

"Yeah" Tipid niyang sagot.

"I'm Carol." The girl said and offered her hand to shake, tinanggap naman ito ni Khielve at nagkamay sila.

"Khielve" Pakilala niya.

"Ito nga pala ang mga kaibigan ko." Pinakilala ng babae ang mga kaibigan niya.

"Saan ka pala nakatira dito?" Tanong uli ng babae na grabe ang pagpapacute na may kasamang ipit ng buhok sa likod ng tenga.

"Diyan lang sa malapit." Sagot niya.

"Saan?"

"Hoy kulugo! Tapos ka na ba sa ginagawa mo? Baka pwede na tayong umuwi." Napalingon si Khielve pati ang tatlong babae kay Kyrene.

"Who is she?" The girl asked as she's raising her brows.

"A maid." Another girl said.

Peste! Maid? Sabunutan ko kaya tong mga to?

"Excuse me girls."Sabi ni Khielve sa tatlo at nilapitan si Kyrene.

"Bakit ba? May kausap ako. Hindi mo ba nanakita?" Sabi ni Khielve.

"Wow! Hanep, enjoy na enjoy lang. Babae lang pala ang ipinunta mo dito eh! May photography photography ka pang nalalaman. Tanghali na, baka gusto mo ng umuwi o kaya mauna na ako, wala akong oras para maging chaperone mo sa pangbababae mo. My gulay bakit ka—"

"STOP!" He cuts her off. Dahil mukhang wala itong balak huminto sa pagsasalita.

"Pinaglihi ka ba sa armalayt? Don't you know, talking too much is really annoying?"Sabi nito na halos dumikit na ang makapal na kilay nito.

"Mas annoying naman ang ginagawa mo. Gigisingin mo ako at sinira mo ang panaginip ko. Kakaladkarin amo ako dito, para lang panoorin ka sa paki-kipaglandian sa mga mahaharot na ba—

"Haist Pwede ba?! Isa lang ang tanong ko sandamakmak ang sinasabi mo." Buwesit na ito at napalakas na ang boses nito.

"Ano bang gusto mo?" Tanong nito.

"Tanghali na gutom na ako umuwi na tayo." Walang prenong sabi ni Kyrene.

"Tinuro ba school niyo kung paano gumamit  ng period." Tanong ni Khielve at nailing.

"Gutom ka pa? Kanina ka pa kain ng kain, gutom ka parin." Hindi makapaniwalang sabi uli ni Khielve.

"Snack lang 'yon. Natunawan na ako." Sabi ni Kyrene at humawak pa sa tiyan niya.

"Grabe! Saan ba may restaurant dito?" Tanong nito.

"Ililibre mo ako?"

"Gusto mo ikaw manglibre." He said and crossing his arms  over her chest and looking at her intently.

"Wala akong pera." Sabi niya.

"Oh, wala ka palang pera magtatanong ka pa?" Naiiling na sabi nito.

"Halika doon tayo." Aya ni Kyrene at sumunod naman ito sa kanya.

Nagpunta sila sa isang carinderia, pumasok sila dito at umupo agad si Kyrene sa bakanteng lamesa sa may pinakagitna.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon