"Kyrene! Totoo ba yung sinabi mo na mahal mo ako?" He asks then he took her hands and enclosed it with his. Pero si Kyrene hindi parin makapagsalita.
"Pag hindi ka nagsalita hahalikan na talaga kita." Sabi nito na Ngiting-ngiti.
"Kanina ka pa ba diyan?" Tanong ni Kyrene na halos walang boses na lumabas.
"I guess I heard everything... From the top! maybe" Sabi ni Khielve na nakangiti parin.
"Pero umalis ka diba?" Sabi ni Kyrene.
"Hindi eh! Hindi ka kasi sumama eh, kaya hindi nalang ako sumama. Sabi ko kila mom masama pakiramdam mo at wala kang kasama."
Paalis na sana siya kanina pero nagbago ang isip niya. Sinabi niya sa parents niya hindi na lang siya sasama dahil masama ang pakiramdam ni Kyrene at walang kasama. Kahit marami naman katulong sa mansyon.
Pinuntahan niya ito sa may gazebo at narinig niya ang dalawang naguusap kaya hindi agad siya nagpakita. Narinig niya ang lahat ng sinabi ni Kyrene.
"Hay! nakakahiya naman eh." Tinakpan ni Kyrene ang mukha niya ng mga palad niya.
Inalis ni Khielve ang kamay niya sa mukha niya.
"So, totoo ba yung sinabi mo? Mahal mo ba talaga ako?" Tanong nito habang hawak hawak ang kamay niya at nakatingin sa mga mata niya. Ilang na ilang naman si Kyrene sa pagtitig nito. Yumuko nalang siya.
"Kyrene!" Binitawan ni Khielve ang kamay niya, para hawakan ang mukha niya at inangat niya ito.
"Narinig ko ang lahat. Nagseselos ka samin ni Yasmine right? Kaya ka ba kanina nagkakaganun? You look upset." Nakangiting tanong ni Khieleve. Nakagat nalang ni Kyrene ang ibabang labi niya.
"Ganun ba ka'obvious?" Napangiti lalo si Khielve.
"Well, you seem sad. Kaya akala ko kung anong problema mo, nagseselos ka lang pala." He said. Still smiling.
"Bagay naman kayo eh! Parehas naman kayong sosyal, parehas mayaman. Mas bagay siya sayo. Tsaka...... She paused for a while.
"Tsaka!" Ulit ni Khielve.
"Tsaka masaya kayo kanina. Ang sweet mo sakanya."
"Ahaha! Sorry! Hindi ko sinasadya. Kasi nagpatulong lang siya sa fishing diba? Kung sinabi mo lang na ikaw ang tulungan ko bibitawan ko naman yun agad eh."Sabi nito habang hawak parin ang mukha ni Kyrene.
Napangiti si Kyrene sa sinabi nito, kinilig siya sa sinasabi nito. Binitawan nito mukha niya at hinawakan uli ang kamay niya.
"Kyrene ikaw ang gusto ko." Sabi nito at hinalikan ang likod ng palad niya.
"Mahal kita." Sabi uli ni Khielve at hinalikan naman ang kabilang kamay niya.
"Pero Khielve kasi. Malayo naman tayo sa isa't-isa. Wala din mangyayari."
"May binigay ako sayong cellphone diba? Pwede tayong magskype, videocall. Kahit anong oras. Wag kang mag-alala sa load naka plan naman yun, hindi mauubos ang load nun." Nangingiting sabi nito. Napangiti din si Kyrene.
"May airplane din, I can fly over every week para lang magkita tayo."
"O.A mo naman!"
"Seryoso ako, I can do that. Kyrene Seryoso ako sayo. At first... okay, medyo irita ako sayo nung nagkita tayo sa kalsada. Ganun din ikaw sakin diba? Pero nung nagkasama na tayo. I find you cute... As days go by, I find you attractive... then, I find myself in love with you. Ayoko kung aminin nung una, sinabi ko pa nga na hindi ako maiinlove sayo eh, pero wala eh. Na in love parin ako. Hindi mo ba nakikita yun?" He confessed. Parang hindi naman makapaniwala si Kyrene sa naririnig niya.