CHAPTER 17

172K 4.1K 213
                                    

"Apo balita ko ikaw ang konsorte ng anak ni mayor mamaya sa sagala?" Tanong ni Donya Clara nasa hapag kain sila at kumakain ng almusal.

"Opo!"

"Uhm.. may isusuot kana?"

"Yes lola. Bumili kami kahapon?" Sagot niya. Tumingin ang donya kay Kenneth.

"And you Kenneth. You're the escort of Kyrene." Sabi ng donya.

"Yes lola." Sagot ni Kenneth at ngumiti.

"Kami naman po lola ang taga buhat ng arko ni Kyrene. " Sabi naman ni Simon.

"Aaa! You're really such a good kids." Sabi ng Donya. Ngumiti naman si Zion at Simon.

"Apo, I heard nililigawan mo si Monique?" Napatingin si khielve sa lola niya.

"No lola! We're just friends. Wala pa sa isip ko ang mang ligaw."Sagot niya.

"Hindi po yan nangliligaw lola. Siya po ang nililigawan ng mga babae." Sabi ni Simon. Sabay subo ng pagkain.

"Really apo. Umm. Baka naman pinaglalaruan mo ang mga babae. That's bad! Babalikan ka ng karma." Sabi ng donya. Ngumiti lang si Khielve.

"May iba po yang gustong ligawan lola. Kaso ang problema mukhang tagilid siya. Ahaha!" Sabi ni Zion na tumawa pa. Tinignan naman siya ng masama ni Khielve.

"Talaga apo. Who's the lucky girl?" Nakangiting tanong ni Donya.

"Wala lola! Nagpapaniwala ka diyan kay Zion." Sabi ni Khielve sabay inom ng juice.

"Si Kenneth lola tanungin mo po. May nagpapatibok ng puso diyan." Sabi ni Simon sabay ngisi.

"Really!? Sino Kenneth?" Nakangiting tanong ng Donya. Ngumiti si Kenneth.

"Si Kyrene po lola. Gusto ko po siya." Sabi ni Kenneth.  Bigla naman nagbago ang expression ang mukha ni Khielve.

"Wow! Maswerte ka kay Kyrene.  Napakabait na bata. Magalang at mapagmahal at higit sa lahat napakaganda." Sabi ng donya.

"Opo ang ganda po niya." Nakangiting sabi ni Kenneth. Nagsikuhan naman si Simon at Zion habang naka tingin kay Khielve dahil ang sama ng mukha bigla.

"Ayaw pa kasing umamin eh." Sabi ni Zion at ngingisi-ngisi.

"Ano yun Zion?" Tanong ng donya.

"Wala po lola." Sabi nalang nito at ngumiti.

****

"Kyrene ready ka na bang gumanda?" Sabi ng baklang magaayos kay Kyrene. Nasa bahay sila nila Kyrene. Nasa kwarto sila nito, mamaya na ang sagala.

"Becka! Maganda na si Kyrene dati pa." Sabi naman ni Bella.

"Ibig kung sabihin, mas maging maganda." Ngumiti lang si Kyrene.  First time niyang aayusan, medyo kinakabahan at excited siya. Pero marunong siyang mag-ayos ng mukha kahit papaano. Dahil napag-aralan niya iyon sa training shool na pinasukan niya.

"Kasi naman! May maganda ka ngang mukha, pero hindi ka naman nagaayos. Matanong nga kita Kyrene?" Tumingala si Kyrene para tignan ang bakla.

"Ano yun?" Tanong ni Kyrene.

"Marami ka bang bakukang sa legs? At wala bang korte ang katawan mo?" Tanong ng bakla.

"Huh?"

"Kasi laging maluwag na tshirt suot mo. Tapos lagi kang naka saya." Sabi ng bakla.

"Makinis ang legs niyan bakla. At ang katawan niyan, pak na pak na pak." Sabi naman ni Bella na hinampas hampas pa ang sariling balakang. Naliligo naman kasi sila ng sabay ni Bella, kaya nasabi nitong maganda ang katawan niya.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon