CHAPTER 64

119K 2.9K 411
                                    

Nasa labas ng ICU ang lahat Nagaanatay ang paglabas ng doctor.  Ang magasawang Brizalde,  Donya Solidad at Ms. Dianna.

Maya-maya lang lumabas ang doctor.

"Doc kumusta siya?" Agad na tanong ni Ms. Margarita na sobra-sobra ang pag alala na bakas na bakas sa mukha nito, medyo namumugto ang mata nito na halatang galing sa pag iyak.

"Ayos na siya, kailangan lang niyang maoperahan, medyo nagka fructure ang ribs niya eh." Paliwanag ng doctor.

"Malala po ba?" -Ms. Margarita

"No. Minor injury lang. Sino sainyo ang pwedeng mag donate ng blood?" Tanong ng doctor.

"Doc ako nalang." Mungkahi ni Vincent.

"No! Ako nalang. Ako nalang Vincent. Mag papatest ako, baka magka blood type naman kami ni Yasmine." Agap ni Dianna.

"Are you sure?" -Vincent

"Yeah. Pag hindi kami magkablood type, tsaka ka nalang mag patest." Sumama  nga si Ms. Dianna sa nurse na inutusan ng doctor para sa blood test.

*****

Brizalde's Mansion:

"ASAN SI KYRENE!" Umaalingaw-ngaw ang boses ni Ms. Dianna sa loob ng mansyon. Habang papasok ito sa mansyon.
"KYRENE!" Sigaw uli nito.

Patakbong bumababa si Kyrene mula sa hagdan kasunod nito si Jelian. Halatang galing ito sa pag iyak.

"Tita Dianna, kumus--" Pak! Malakas na sampal sa pisngi ni Kyrene, kaliwa't kanan ang binigay na sampal sakanya ni Dianna.

"Tita."

"Walang hiya ka! Ang kapal ng mukha mo para saktan si Yasmine." Isa pang malakas na sampal sa pisngi niya na sa sobrang lakas natumba na siya sa sahig.

"Tita hindi ko po sinasadya." Umiiyak niyang sabi habang nakasalampak na siya sa sahig.

"Mommy tama na." Pilit na awat ni Jelian dahil hindi ito tumigil sa pananakit kay Kyrene kahit natumba na ito.

"Wag kang mangialam Jelian kung ayaw mong pati ikaw makatikim!" Hinarap uli nito si Kyrene at pinagsasampal uli. Iyak naman ng iyak si Kyrene.

"Mommy tama na." Malakas na tulak ang ginawa nito kay Jelian kaya napaupo rin ito sa sahig.

"Tita tama na po." Iyak ng iyak na sabi sambit ni Kyrene,  pero ayaw tumigil nito.

"DIANNA!" Dumating si Vincent, patuloy parin si Dianna sa ginagawa, kaya mabilis itong lumapit.

"Dianna tumigil ka na!" Hinablot ang braso ni Dianna at nilayo kay Kyrene.  Agad nitong tinayo at niyakap si Kyrene.

"Anong ginagawa mo?!" Madiin na tanong nito na halatang galit na rin.

"Vincent! Muntik niya ng mapatay si Yasmine." Malakas parin ang boses nito.

"KAHIT NA! Wala kang karapat saktan ang anak ko. Wag na wag mo ng uulitin yan Dianna, BINABALAAN KITA!" Tiim na rin ang bagang nito. Umalis si Dianna na galit na galit parin. Hinarap ni Vincent  si Kyrene.

"Okay ka lang anak?" Hinawakan nito ang pisngi niyang pulang-pula.

"D-Daddy... hindi ko po.. sinasadya.. maniwala po.. kayo." Putol-putol na sabi ni Kyrene sa pagitan ng iyak niya.

"I know, I know. Tahan na, tahan na." Niyakap siya ng daddy niya at hinaplos ang likod niya.

"Halika akyat ka muna sa kwarto mo." Umakyat sila ng daddy niya at hinatid siya sa kwarto. Umupo sila sa kama.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon