CHAPTER 37

151K 4.1K 215
                                    

"Kayo po pala mga sir. Pasok po." Pinagbuksan sila ng gate ng katulong nila Tricia.

Kilala naman sila nito dahil pumupunta sila tuwing may mga occasion na ginaganap dito.

"Si Tricia po manang?" Tanong ni Zion.

"Nags'swimming po. Punta nalang po kayo dun." Pumasok silang lahat.

Pumunta sila sa pool area. Nakita nila si Tricia at Jelian na katayo at kumakain.

"Oh! What brings you here guys?" Gulat na tanong ni Tricia. Hindi naman ang mga ito pumupunta sa sakanila pag wala naman okasyon.

Lumapit ang apat.

"Hi Jelian, ang sexy mo naman." Simon says, habang nakatitig kay Jelian.

"Thanks." She said simply.

"Where's Kyrene?" Napatingin ang lahat kay Khielve at Kenneth dahil sabay na sabay itong sa pagtanong.

Si Khielve at Kenneth naman nagkatinginan sa isa't-isa.

"I see! Si Kyrene ang pinunta niyo." Umalis si Tricia sa harap ng dalawa.

"Ayun oh!" Tinuro ni Tricia si Kyrene at tumingin naman ang dalawa sa pool. Ang apat actually.

Halos lumuwa ang mata ng apat sa nakikita, si Kyrene nagf'floating habang nakapikit at naka two piece.

"Oh lala! Si Kyrene ba yan?" Sabi ni Simon na nakatingin lang kay Kyrene.

"Oh my God! You two are drooling." Agad na kinuha ni Tricia ang cellphone at pinicture'ran si Khielve at Kenneth na nakatingin lang. Pinicture'ran din nito si Kyrene.

Lumangoy na si Kyrene sa kabilang side ng pool para umahon, nakatalikod ito sakanila.

Hindi parin maalis ang mata ng apat kay Kyrene na nasa taas na at naglakad na sa gilid ng pool. Parang slow motion naman sa dalawa ang lahat.

Pagliko ni Kyrene sa kabilang side para pumunta sa gawi nila.

Gulat na gulat si Kyrene nang makita niya ang apat na nakatingin sakanya. Agad niyang niyakap ang sarili at nagpalinga-linga na parang naghahanap na pantakip sa sarili.

Bigla nalang si Kyrene tumalon uli sa swimming pool sa taranta.

"Ahahahaha!" Tawa ng malakas si Tricia at Jelian sa ginawa ni Kyrene.

"PWEDE BA WAG KAYONG TUMINGIN NG GANYAN! Para kayong mga manyak." Tsaka naman parang natauhan ang apat sa sigaw ni Kyrene at nagsi-iwas ng tingin.

"Sorry Kyrene,  hindi ka namin minamanyak, pag hanga lang yun. Ewan ko lang dito sa dalawa kung ano iniisip." Sabi ni Simon at tumingin kay Kenneth at Khielve.....

"Oo nga Kyrene! nasanay lang kasi kami na lagi mahaba ang suot mo. Grabe! may tinatago ka palang ganyan." Sabi ni Zion.

"Anong tinatagong ganyan pinagsasabi mo?" Nakayakap parin si Kyrene sa sarili niya.

"Ibig kong sabihin magandang katawan, makinis na legs at--

"Waaahhh!! Tama na! Wag mo nang ituloy." Putol ni Kyrene sa sasabihin pa sana ni Zion.

"Ahahaha! Umahon ka na nga diyan. Okay lang yan." Sabi naman ni Tricia na natatawa parin kahit si Jelian.

"Penge akong pang patong."

"Wag na!Wala tayong bathrobe dito. Umahon ka na diyan, look at us." Sabi parin ni Tricia.

Lumapit si Kenneth  sa pool. Hinubad nito ang t shirt niya.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon