CHAPTER 74

134K 2.9K 160
                                    

A/N Sorry guys! 3 days na akong walang net. connection, kaya di ako naka-pag-update. sorry talaga! lalo sa mga napangakuan ko ng update... hindi pa mag sync yung mga sinulat ko dito, kaya baka ito lang ma-update muna..

____________________________________________________________________________

"Salamat Kenneth ah." Hinatid na siya ni Kenneth sa bahay nila.

"Kyrene!" Mabilis na bumababa ang mommy at daddy niya pababa ng hagdan.

"Diyos ko anak ko, sobra akong nag-alala sayo." Niyakap siya ng mommy niya, naiyak na naman si Kyrene.

"Sorry mommy kung pinag-alala ko kayo, sorry po."

"Sshh! No baby, I understand." Hinawakan ng daddy niya ang ulo niya at hinagkan siya sa ulo. Kumalas ng yakap ang mag-ina, bumaling ito kay Kenneth.

"Kenneth salamat sa pag-alaga kay Kyrene ah." Sabi ni Margarita.

"No problem tita." Sagot ni Kenneth.

"Akyat na po muna ako mommy." Paalam ni Kyrene, sobrang tamlay ng boses nito. Tumingin siya kay Kenneth.

"Kenneth salamat uli." Yumakap siya kay Kenneth, niyakap din siya nito.

"Pag may kailangan ka, pag kailangan mo ng kausap, tawagan mo lang ako." Sabi ni Kenneth, habang magkayakap sila.

"Oo, salamat." Kumalas sila ng yakap.

"Hatid na kita anak sa kwarto mo."

"Hindi na po mommy, kaya ko na po. Gusto ko po munang mag-pahinga." Sabi nalang niya dito, alam niya kasi na baka maraming itanong ito, ayaw na muna niyang umiyak pa.

Matamlay na umakyat si Kyrene, hindi niya man nakikita pero sigurado siyang nakatingin sa 'kanya ang lahat, at kinakaawan siya, sa totoo lang ayaw niya ng gan'on, pero kahit siya naaawa sa sarili niya.

Naglakad siya papunta sa kwarto niya na nakayuko, ang bigat-bigat parin ng pakiramdam niya, pakiramdam na katapusan na ng mundo.

"Tsk. Tsk. Tsk. Where have you been?" Napaangat siya ng ulo ng marinig ang boses ni Yasmine. Pero muli siyang yumuko at nagpatuloy sa paglalakad.

"Sabi ko na naman sayo eh. Babawiin ko lahat ng inagaw mo sakin. Feeling mo talaga mahal ka ni Khielve." Napahinto si Kyrene sa paglalakad, nasa likod naman niya si Yasmine.

"Wala Kyrene. ang dali niyang akitin. Alam ko, sooner or later mamahalin niya ako, the way he touched me, the way he kissed me, the way he whispered my name. Alam ko may nararamdaman siya sakin." Nakuyom ni Kyrene ang palad niya, parang lahat ng dugo umakyat na sa ulo niya, pakiramdam niya namamanhid ito.

"Sorry my twin sister, but I've won. Ikaw, wala!..... isang... malaking... talunan--" Pak!!! Natigalgal si Yasmine ng bigla siyang sampalin ni Kyrene ng pagkalakas-lakas.

"How dare yo--" Pak!! Isang malakas na sampal uli sa kabilang pisngi nito.

"Ito ang gusto mo diba?" Pak! Sampal uli sa kabilang pisngi.

"NAPAKASAMA MO!" PAK! Mas nilakasan niya pa ang sampal.

Hindi na makapag salita si Yasmine dahil sa kaliwat kanang sampal na ginawa niya dito. Lalaban pa sana ito, pero hindi niya 'to binigyan ng pag kakataon. Pinagsasampal pa niya 'to. Hanggang sa mapahiga na ito, nag sisigaw nalang si Yasmine.

"Ngayon ka lumaban walang hiya ka." Galit na galit na ng husto si Kyrene dahil sa sama ng ugali nito na kailangan pa talaga nitong ikwento ang kababuyan nila ni Khielve.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon