CHAPTER 36

139K 5K 159
                                    

Paalis na si Khielve para makipag kita kay Yasmine. Nasa may gate na siya ng village.

"I forgot my phone." Agad niyang binalik ang kotse, pinarada nalang niya ito sa tapat ng bahay nila.

Bumaba siya at pumasok agad, patakbo siyang umakyat ng hagdan at dumiretso sa kwarto. Pinihit niya ang pinto at laking gulat niya ng makita niya ang isang babae nakatayo at ang mas ikinagulat  niya may hawak itong brief at nakatakip sa mukha nito.

Hindi agad siya nakilos sa gulat. Kumunot ang noo niya, dahil parang pamilyar ang figure ng babae pero umiling din siya.

Anong ginagawa niya? Siya ba yung bagong katulong? -Unti-unti siyang humakbang at hinablot niya ang brief. Gulat na gulat siya sa nakita niya.

"Kyrene!" Sambit niya. Si Kyrene naman hindi niya alam ang gagawin.

"Sorry, di- di -dinala ko lang ang mga damit mo dito." Tarantang sabi ni Kyrene at agad na lumabas ng kwarto. Naiwan si Khielve na gulong-gulo.

"Si lola" He's muttering and he gets his phone on the side table. Agad niyang tinawagan ang lola niya.

"Hello apo!"

"Lola! What is Kyrene doing here?"

"Ahahahaha!" Malakas na tawa ang sinagot ng lola niya.

"Anong nakakatawa lola?"

"I'm sorry apo, nagkita na pala kayo. Did you find her? Or nagpakita talaga siya sayo? Ahaha!" Natatawa parin ang lola niya.

"What lola?Alam mo to pero hindi mo sinabi sakin." Tumawag na kasi siya sa lola niya nung makita niya si Kyrene sa campus, tinanong niya rin ito kung bakit hindi sinabi sakanya.

Pero hindi nito nabanggit na nandito sakanila nakatira si Kyrene.

"I'm sorry apo, nakiusap kasi sakin si Kyrene na wag kung sabihin sayo. Ano ba kasi ang problema niyo?

"Nothing lola."

"Apo, kung ano man ang problema niyo ni Kyrene ayusin niyo na yan. Nagpunta dito sila Benito, sabihin ko daw sayo na baka daw kung pwede ikaw na muna ang bahala kay Kyrene. Lalo at malayo sila. She really needs you now apo."

"Okay lola, sige na po bye." Pinatay niya ang telepono niya at umupo siya kama.

"Siya yung nakita ko sa kusina." Napangisi si Khielve ng maalala niya yung gabi na yun.

Tumawag uli siya at tinawagan si Yasmine.

"Hello B san kana?" Tanong ni Yasmine.

"B, sorry pero hindi ako makakapunta medyo masama pakiramdam ko eh." Pag dadahilan niya.

"Ganun ba? Gusto mo ako nalang pumunta diyan?"

"No! Uhm.. no need magkita nalang tayo sa bukas."

"Okay!" Dismayadong sabi ni Yasmine. Binababa na ni Khielve ang cellphone.

"Nandito ka Kyrene. Bakit kailangan mo talagang magtago sakin?" Napabuga ng hangin si Khielve.

Napatingin din si Khielve sa hawak niyang brief. Bigla siyang napangiti ng husto ng maalala ang itsura ni Kyrene kanina na pinangtakip ang brief niya.

"Pasaway talaga ang babaeng yun." Tumayo si Khielve at bumababa.

"Manang Betty si Kyrene po asan?" Tanong ni Khielve sa manang na naglilinis ng bahay.

"Nasa kwarto po niya seniorito?" Sagot ni Manang Betty.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon