CHAPTER 75

141K 3K 112
                                    

"Kenneth" Nanglalaking mata na sambit niya. Kinusot-kusot niya ang mata niya, dahil baka namamalik-mata lang siya.

"Hindi ka nanaginip, ako talaga 'to." nakangiting sabi ni Kenneth. 

"Ikaw ba talaga yan?" Nagkibit balikat lang si Kenneth. 

"KENNETH!" Niyakap niya si Kenneth ng sobrang higpit. Pagkwa'y hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito.

"Ikaw nga Kenneth! Ikaw nga." Niyakap uli niya ito, natawa nalang si Kenneth. 

"Baka gusto mo akong papasukin?" Natatawang sabi  ni Kenneth. Bumitaw si Kyrene sa pag-kakayap dito.

"Sorry,  masyado lang akong na-excite, halika ka." Pumasok si Kenneth at sinara ni Kyrene ang pinto.

"Anong ginagawa mo dito? Paano mo ako nahanap? Saan ka nakatira? Kailan ka pa dito? Hanggang kailan ka dito?" Sunod-sunod niyang tanong hindi pa man sila nakakaupo, kaya lalong natawa si Kenneth.

"Ikaw talaga, alin ang gusto mong una kong sagutin d'on?" Umupo sila sa sofa na mag-katabi.

"Kahit alin, basta sagutin mo lahat." Sagot niya, kaya lalong natawa si Kenneth.

"Kumusta ka dito?" Nagkibit lang ng balikat si Kyrene.

Hindi niya alam ang isasagot, hindi niya pwedeng sabihin okay siya kasi lungkot na lungkot na talaga siya.

"Ang totoo, lungkot na lungkot na ako dito." Bigla nalang may namuong butil ng luha sa gilid ng mata niya at tuloy-tuloy itong bumagsak. Marahang pinahid ni Kenneth ang luha niya ng hinlalaki nito.

"Hindi ka na malulungkot, sasamahan kita dito." Ngumiti si Kyrene, mapaklang ngiti.

"Hanggang kailan naman? Isang linggo o dalawa?" Naiiyak parin niyang tanong.

"Hanggang kailangan mo ako. Gusto mo habang buhay pa eh." pilit na ngumiti si Kyrene.

"Wag kang paasa."

"Ahaha! Hindi ah, dito na talaga ako. Dito na ako mag-aaral. Diba sabi ko dati sa 'yo na nasa ibang bansa ang pamilya ko, tita ko lang ang tumitingin sa 'kin."

"Oo, pero sabi mo diba, ayaw mo dito? Anong nakapag pa-bago ng isip mo? Matagal na rin kasi talaga siyang pinapasunod sa London ng mga magulang niya, siya lang ang may ayaw.

"Ikaw" Halos pabulong nitong sagot, hinawakan ni Kenneth ang pisngi niya.

"Alam kong kailangan mo ng makakasama Kyrene,  kaya nag-decide akong sumunod sayo. Nakiusap ako kay tita Margarita na ibigay sa 'kin ang address mo."

"I know you need someone to lean on. Let me be the one Kyrene, let me take care of you." Tumango si Kyrene, at lalong siyang naluha.

"Kailangan kita Kenneth. Samahan mo ako dito. Please!" Niyakap siya ni Kenneth.

"Sasamahan kita." Masuyong hinalikan ni Kenneth ang ulo niya. Kumalas sila ng yakap, at hinawakan ni Kenneth ang mukha niya at marahang pinahid ang mga luha niya.

"Pero may request sana ako eh." Sabi nito pagkuwan.

"Ano yun?"

"Pwede bang tama ng iyak, gusto ko sana lagi kang nakangiti pag kasama mo ako." Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ni Kyrene.

"Ayan! Ang cute cute mo talaga pag naka-smile." Pinisil ni Kenneth ang mag kabila niyang pisngi, kaya napangiti na ng husto si Kyrene.

***

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon