SPECIAL CHAPTER

205K 3.8K 445
                                    

Akala ko pag natapos ko na 'to makakapag-focus na ako ibang story, pero ito ako ngayon hindi makaget-over kay Khielve at Kyrene, kaya gumawa ako agad ng special chapter. Sana magustuhan niyo 'to.

_______________________________________

Nasa isang restaurant ang grupo, masayang kumakain ang lahat. Si Jelian at Simon na nag-susubuan pa, si Tricia at Zion ay gan'on din ang ginagawa. Si Bella at Yasmine na napapagitnaan si Kenneth. Si Khielve at Kyrene na tahimik lang na mukhang may tampuhan.

"Hoy! Anong problema niyong dalawa? Bakit ang tahimik niyo?" Sita ni Tricia kay Khielve at Kyrene. Nagtinginan ang dalawa, pero nag-iwasan din ng tingin.

"Hoy Yasmine! Anong ginawa mo? Bakit nag-aaway ang dalawa?"

"Pwede ba Tricia tigilan mo ako ah. Tuwing mag-aaway ang dalawa ako talagang tatanungin mo." Mataray nitong sagot.

"Malay ko ba, ikaw lang naman ang evil dito eh."

"Shut up! Baka nakakalimutan mong ang evil na 'to ang mag babayad ng kinakain mo ah. Hindi ka naman invited pumunta ka." Birthday kasi nito ngayon.

"Hmpf! Kaya ko tong bayaran no! Buti naman pala at hindi ka na nakiki-celebrate ng birthday ni Kyrene."

"Matagal ng panahon."Hindi na sumagot si Tricia at nag-irapan na lang ang dalawa.

"Kenneth try this masarap." Alok nalang ni Yasmine kay Kenneth ng pagkain.

"Ay wag yan Kenneth, masyadong oily. Ito mas masarap." Sabi naman ni Bella at nag-lagay ng pag kain sa plato ni Kenneth. Napakamot na lang si Kenneth dahil kanina pa ang dalawa alok ng alok ng pagkain sa kanya.

"I have to go guys, masakit talaga ulo ko." Sabi ni Kyrene sabay tayo nito at umalis na lang bigla, natigilan ang lahat sa pagkain at tinignan ang papalabas na si Kyrene. Agad namang tumayo si Khielve at sumunod dito.

"Tsk tsk tsk. LQ." Naiiling na sabi ni Simon.

"May alam ka ba kung bakit?" Tanong ni Jelian.

"Selos"

"Selos! Kanino!?" Sabay-sabay ng mga babae.Nagkibit balikat lang si Simon.

**

Tuloy-tuloy at mabilis na nag-lalakad si Kyrene sa labas at sumenyas sa isang taxi, pero mabilis siyang hinawakan ni Khielve sa braso at hinila.

"Ano ba? Bitawan mo nga ako." Hindi si Khielve nag-salita, hinila siya nito hanggang sa marating nila ang sasakyan ni Khielve.

Binuksan nito ang passenger seat at pinasakay siya. Agad din itong sumakay at agad na pinaandar ang sasakyan.

Narating nila ang condominium na walang imikan, bumili sila ng condo unit, balak nilang dito tumira pag kasal na sila at bibili sila ng bahay once na mag-kaanak na sila. Pero madalas na dito rin sila tumutuloy, hinahayaan na lang sila ng parents nila dahil ikakasal na naman daw sila at matanda na rin daw sila. Pero lagi namang sinasabi ni Kyrene sa mommy niya na alam parin niya ang limitasyon niya.

Pagka parada ni Khielve ng sasakyan niya, agad na lumabas si Kyrene at walang lingon-lingon na tinungo ang entrance ng condominium at agad na pumasok, tuloy-tuloy itong pumasok ng elevator at agad na pinindot ang number 14, papasara na ang pinto ng biglang hinarang ni Khielve ang kamay sa pinto at pumasok din. Pinagcross lang ni Kyrene ang mga braso niya hanggang sa dalhin sila sa floor kung saan ang unit nila. Agad na lumabas ang dalawa, nagkabanggaan pa sila dahil sa sabay na paglabas at nag tinginan pa ng masama. Inirapan ni Kyrene si Khielve at nauna ng lumabas, agad naman sumunod si Khielve.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon