CHAPTER 79

183K 3.6K 316
                                    

Oh god! This is torture. Gustong-gusto ko siyang yakapin pag kakita ko sa kanya. God! She's even more beautiful than the last time I've seen her.. she talks and acts confidently, ibang-iba na talaga siya...

Pagkatapos makita at makausap ni Khielve si Kyrene ng nag-daang araw, ito siya ngayon sa loob ng studio office niya, nakaupo sa swivel chair nakasandal ang ulo at nakatingin sa kisame habang kagat-kagat ang ballpen at nakapatong ang dalawang paa sa desk.

"Boss! Tulala ka naman." Ginalaw lang niya ang mata niya para tignan ang hindi man lang niya namalyan na si Aldin.

Ito ang naging kaibigan niya sa loob ng nag daang dalawang taon, nakilala niya ito sa isang photographic tutorial na pinasukan niya. Wala naman sana siyang balak mag tayo ng isang studio dahil mas prayoridad niya ang kompanya nila, pero itong si Aldin pangarap ang mag-karoon ng isang studio kaya naisipan niyang tulungan ito, nag-susyo na lang sila. Ito ang madalas na tumatao dito.

Umayos ng upo si Khielve at humarap sa kaibigan.

"We've met again." Sabi niya pag kwan.

"Who?"

"Si Kyrene"

"ANG SEÑORITA NG BUHAY MO?" Bulalas nito. Ngumiti at tumango siya.

"Anong nangyari?" Tanong nito, kilalang-kilala kasi nito si Kyrene, halos nakwento na ata niya ang love story niya dito.

"Nothing happened, but she hugged me."

"Talaga boss!? Bumalik ba ang feeling niya sa 'yo?" Inusog pa nito ng husto ang upuan sa desk.

"Not that! Akala niya kasi ako si Kenneth."

"Yong kaibigan mo, yung boyfriend niya ngayon." Tumango si Khielve.

"Hay Aldin, ang ganda-ganda niya lalo." Napasandal uli siya sa upuan na animoy nag d-day dream.

"Hindi ko in-expect na siya pala ang kakausapin ko kahapon, ng sabihin ng secretary niya na antayin ko na lang si Kyrene, para akong nabingi pag karinig ko palang sa pangalan niya." Hindi rin kasi niya inasahan na ito ang kakausapin niya, akala niya si Yasmine or Jelian.

Inulit-ulit pa niyang tanungin ang sekretarya para masiguro kung tama ang rinig niya. Kaya nag-antay siya sa opisina na sobrang lakas ang kabog ng dibdib, lalo na ng yakapin siya nito at makita ang mukha ni Kyrene, parang gusto niya itong yakapin ng mahigpit.

"So bumalik na siya from London, at ngayon makaka-trabaho mo siya sa project natin." Tumango-tango si Khielve.

"Edi mabuti, itanan mo na siya, dalhin sa malayong isla at pakasalan." Mapaklang ngiti ang sumilay sa labi niya.

"Sana nga gan'on kadali." Hanggang ngayon mahal na mahal pa rin niya si Kyrene, he tried to forget her by mingle with other girls, but he ended up comparing them with her. Lagi siyang may hinahanap na katangian ni Kyrene sa ibang babae na hindi niya makita, kahit kaunti lang wala siyang makita. Kaya ang ending, hindi na niya tinutuloy kilalanin pa ang mga babaeng nakakausap niya.

*****

Nakaupo si Kyrene sa swivel chair at malalim ang iniisip.

Pagkatapos ng usapan nila kahapon nila Tricia at malaman niya ang lahat, hindi na siya mapalagay. Gusto niya talaga malaman ang totoo. Ayon kay Jelian, after a year pinatawad na si Yasmine ng parents niya, dahil si Dianna na mismo ang nagmakaawa dito.

Noong una daw ayaw ng mga ito, pero ng malaman na sobrang depression ang pinagdadaanan nito at halos sa hospital na ito nakatira, pinuntahan daw ito ng daddy niya at nakita nga ang kalagayan ni Yasmine na halos nangayayat ng husto. Pinatignan din ito sa isang psychiatrist dahil halos hindi ito makausap at laging tulala.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon