"Kyrene bilisan mo na diyan. Ihahatid ka na ng kuya mo sa mansyon." Tawag ng nanay niya. Nasa kwarto pa siya naghahanda sa pagpunta ng mansyon...
"Ito na Kyrene. Tuloy na tuloy na ito."Sabi niya sa sarili niya. Binuhat niya ang bag niya at lumabas ng kwarto. Pag labas niya nasa salas ang lahat. Ang nanay, tatay, kuya at Ella.
Ang lungkot ng mga mukha nito.
"Ate mamimiss kita." Sabi ni Ella na agad yumakap sa kanya.
"Ako din mamimiss kita bubwet." Nagsisimula ng humikbi si Kyrene. Habang hinahaplos niya ang ulo ng kapatid niya.
"Kyrene bakit ka umiiyak? Akala mo magaabroad eh. Nandiyan lang ang hacienda kayang kayang lakarin." Sabi ng kuya niya na nakatayo sa may pinto.
"Kahit na mamimiss ko kayo." Humihikbi parin na sabi niya. Pati ang nanay at tatay niya nagpupunas ng mata na parang naiiyak na.
"Halika na Kyrene! Wag kang O.A."
"Ito naman si kuya agaw trip lagi. Mamimiss mo din ako. Lalo na ang boses ko. Wala kanang maririnig na kakanta sa kubeta." Sabi niya na nagpupunas ng luha. Kumalas ng yakap ang kapatid niya.
"Kyrene anak. Magiingat ka lagi, wag papagutom." Niyakap siya ng nanay niya.
"Tuwing linggo uuwi ka dito anak ah. Wala ng maghihilot sakin." Sabi naman ng tatay niya at niyakap din siya.
Naiiling nalang ang kuya niya sa ginagawa ng mga ito. Dahil akala mo ang layo ng pupuntahan.
"Sige na po. B'bye na.... Bye bubwet, papakabait ka. Wag pasaway kila nanay."
"Opo ate."Sagot ng kapatid niya.
Lumabas na si Kyrene. Sumakay sila sa tricycle. Narating naman agad nila ang mansyon.
"Paano kuya b'bye na. Bahala ka na kila nanay ah." Malungkot na sabi ni Kyrene, pag kababa niya sa tricycle. Bumaba din ang kuya niya at niyakap siya. Gumanti naman siya ng yakap dito.
"Alagaan mo sarili mo ah. Pag pinahirapan ka ni seniorito sabihin mo lang. Babangasan ko yun." Nangiti si Kyrene. Kunyari pa ang kuya niya pero ang totoo malulungkot din naman to sa paglipat niya sa mansyon.
"Kaya mo?" Tanong ni Kyrene. Humiwalay siya sa pagkakayakap.
"Uhmm. Kaya naman, kaso baka ipakulong ako ni Donya Clara. Ahaha!"
"Hmpf! Sige na bye na." Ginulo gulo ng kuya niya ang buhok niya. Tsaka sumakay uli sa tricycle. Sinundan nalang ni Kyrene ang papalayong tricycle.
***
Nasa kwarto si Khielve. Nakatanaw sa bintana. Nakita niya ang pagdating ni Kyrene.
Pumasok sa bahay si Kyrene kaya naisipan niya ng bumababa.
Pababa siya ng hagdan at nakapamulsa. Nakita niya si Kyrene, nakita din siya nito. Iningusan siya nito.
"Kyrene hija, nandito kana pala." Masiglang bati sakanya ng Donya na kakalabas palang nito mula sa opisina nito na nasa loob lang ng mansyon.
"Magandang umaga po Donya Clara." Nakangiting bati nito.
"Kyrene! Magiging house mate na tayo." Sabi ni Martha na agad siyang nilapitan. Nginitian naman ito ni Kyrene.
"Akin na Kyrene ang gamit mo. Doon ang kwarto mo sa taas malapit sa kwarto ni seniorito para malapit kayo sa isa't isa." Mapangtuksong sabi nito. Kumunot ang noo ni Kyrene.